PAGSUKO [Part 4]

119 2 0
                                    

Napapili namin ni Zander na kumain sa Kanin Club. Habang kumakain ay pansin kong pasulyap sulyap si Zander sa cellphone niya, tutok na tutok siya habang may binabasang text. Hindi ko naman mapigilan ang mangunot ng noo nang nag ring ito pero pinagmasdan lang niya.

"Baka importante yan Zan..." sabi ko rito as he kept on ignoring the calls.

"Some business matters. Ayokong mastress lalo pa't date natin ngayon." Ibinalik niya sa bulsa niya ang kanyang cellphone.

Tumango na lang ako kahit na nakakapanibago na iniiwasan niya ang mga business related matters. Knowing Zander, napaka intimate niya pagdating sa career niya. Naintindihan ko naman kung mas hands on siya sa career kaysa sa relationship tulad ng meron kami. He knows how to balance things well.

Ipinagkibit balikat ko na lang ang mga pinag-iisip ko. Atleast ngayon pinagkalooban niya ako ng oras, at talagang tinanggihan niya ang office works niya dahil sa date namin.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami ng Washington SyCip Park. Nagliwaliw lang kami tapos ay nagkwentuhan ng mga walang katuturang bagay. Pero kadalasan ay napag-uusapan din namin ang mga future plans like about our careers or 'yung mga bagay na gusto naming ipursue.

Quotang quota na rin siya sa pagpipicture ko sa kanya. Halos mukha niya ang laman ng gallery ng camera ko. Kung hindi stolen shots ay kamay naman niyang pilit na tinatakpan ang lens. Kahit nung kumakain siya ay kinuhanan ko parin siya ng picture. May solo pic rin naman ako pero hindi kasing rami ng kanya. Syempre akin 'yung camera at ako lagi ang may hawak. Sa tuwing magkasama kami siya talaga 'yung gusto kong kinukuhanan, tipong hindi ako nagsasawa kahit na puro mukha lang niya ang tumatambad sa mga naka save na photos sa camera ko. I don't know? Maybe I'm just so inlove with him. I want to have a grip of our memories... or my memories of him.

Pinagmamasdan naming dalawa ang shots at selfies naming dalawa. Napangiti ako. Everything just seems too perfect to ruin.

"You develop it. Then give me a copy." Pinulupot niya ang braso niya sa beywang ko. He's back hugging me! Tumindig ang balahibo ko sa batok nang hinalikan niya ang ulo ko at pinatong ang mukha niya sa balikat ko.

Tumatalon ang puso ko at napasinghap. To think na ganito ang posisyon namin sa isang public place. I can't help but blush at the thought. Zander has this side. But you know, I'm not yet used to be this intimate and romantic with him although I love it and I feel secured at the same time.

"A'right, Mr. Chavez. Want to develop your pics as well?" panunuya ko rito. Nilingon ko siya pero halos lumundag ang puso ko palabas ng katawan ko nang mapagtantong ang lapit lapit ng mukha namin. I can feel his breathe. I tried to avoid staring at his lips oh damn!

Sumimangot siya at ipinagsa walang bahala ang paglalapit namin. God, he's damn cute! How the hell can he be so handsome and cute at the same effing time!? "Nah. Mas maganda kung kasama kita. I love you." Himig na himig ko ang lambot ng kanyang boses. It felt so freaking right! Malala na 'to!

"I'd like to ask for forever but I guess, walang forever. I love you too Zander. I don't know what I would do if we break. I just can't let this all go, you know." Anas ko. I feel him stiffened behind me. Dama ko rin ang mabibigat na pagtaas baba ng kanyang dibdib.

Agad ding napawi 'yun at dinig ko ang pagngisi niya.

Nasa loob na kami ng Trax niya. Malapit na ring lumubog ang gabi kaya naisipan na naming umuwi. Malaki ang tsansa na ma stuck kami sa traffic kaya mainam nang agahan na namin para makauwi kami ng hindi pa lumalalim ang gabi.

"Want to have dinner? We can stop over greenbelt." Aniya nang iniistart na ang sasakyan.

"Uh, pwede rin. Pero baka ma stuck tayo lalo sa traffic."

Pagsuko [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon