Nasa harap na ako ng building ng Makati Medical Center. Nalaman kong regular na nagpapacheck-up rito si Miranda pero hindi sinabi kung anong dahilan, kung may sakit ba o ano. I am completely clueless as well. I have been thinking of this all day. Maybe she's got cancer or she's ill for God knows what disease. Napag-alaman ko rin na na confine ito for a few days already- ito 'yung araw na nagpunta ako sa condo ni Zander. Yes, hindi ako manhid sa mga nangyayari sa paligid ko pero hindi ko naman inakala na mas magiging masakit pala kapag harapang isinampal sa'yo na totoo ang mga hinala mo.
Pagkapasok ko ay dumulog ako sa information desk at tinanong ang Room ng babaeng nagngangalang Miranda Ortiz. Ininterview at tinanong pa ako ng kung ano ng nurse bago niya naibigay ang room number.
Tipid akong ngumiti at nagpasalamat rito nang maibigay na niya sa wakas ang room number ni Miranda.
Samot saring konklusyon ang naglilinya sa utak ko pero iwinasiwas ko rin ito kalaunan dahil pakiramdam ko hindi magandang mag-isip at maniwala sa mga bagay na hindi pa nabibigyang linaw. The saddest part there is that... hindi ibig sabihin n'un ay naiibsan na ang sakit. Sa katunayan, mas namumutawi ang karagdagang tahip na nararamdaman ng puso ko sa tuwing nag-iisip.
Nang masipat ko na ang kwarto ay hindi muna ako pumasok. Pinagmamasdan ko lamang ang numero ng kwarto na nakasabit sa pituan. Ang mga taong dumaraan sa likod ko ay nagmistulang hangin at nagiging blurry ito sa gilid ng aking paningin. Ramdam ko ang gatol sa aking mga paa. Now, what? Should I wait for someone to open this goddamned door? Should I? 'O baka mas mainam na umuwi na lang ako? Hindi ko lubos makuha kung bakit parang nag-aalinlangan ako ngayon.
Andito na nga ako, aatras pa ba ako? Just a small talk with her, Saab, then you're done. Pilit kong kinalma ang sarili ko kahit abot abot ang kalabog ng puso ko. Bumuga ako ng malalim na hininga at walang ingay na pinihit ang doorknob. Binuksan ko ito ng konti, sakto lang para makasilip ako. I just wanna know kung nasa tamang timing ba ako.
"Zander is a sweet guy, eh?" humagikhik si Miranda nang mamataan ang flowers at fruits sa lamesa.
"Quit it, M." kita ko ang pagiwas nito ng tingin. He's even blushing!
Hindi nila ako makita dahil malayo at nasa gilid ng pintuan ang kama at nakatalikod si Zander sa akin. Kaharap nito si Miranda.
"Why, nahihiya ka, Z?" patuyang tanong ni Miranda.
Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Tamang timing, huh? Ngayon alam mo na, Saab, kung nasa tamang timing ka ba o hindi. May kung ano sa tiyan ko ang unti unting namamatay na noon ay ngingiliti naman.
Talagang may pen names sila sa isa't isa. Dammit!
"I just, you know, don't do such things."
He's right. As a boyfriend, he's not fun of giving flowers, chocolates and all the sweetest things on earth. He's given me before pero hindi madalas, sa gunita ko once or twice niya lang iyong nagawa. N'ung naging kami, mas naging tutok siyang magpakita ng sweet gestures kaysa ang mamigay ng kung anong matatamis na bagay although he has the bulk of wallet to do so. Nakita ko sa mga kilos niya na actions really do speaks louder than words.
He's that kind of man... A man of actions. Darn, kaya pala...
"Sa'kin lang?" naging seryoso na ang tono ni Miranda. Wala na 'yung kanina'y puno ng panunuya.
Ilang segundong katahimikan. Hindi nakapagsalita si Zander.
Pero ang pumiga ng puso ko sa araw na iyon ay ang marahan nitong pagtango at pagtawa. "Funny, right? Kaya kong gawin sa'yo ang mga bagay na ito pero sa sarili kong girlfriend hindi ko magawa. Why is that?" humakipkip ito.
BINABASA MO ANG
Pagsuko [Short Story]
Short Story"Sumusuko na ako sayo hindi dahil sa napagod akong mahalin ka. Sumusuko na ako dahil sa ating dalawa, ikaw ang bumitaw sa pagmamahalan na'tin. Mahal na mahal kita pero kailangan kitang pakawalan. " © Shy