PAGSUKO [END]

245 4 1
                                    

"I don't deserve you, Zander. Ayokong maging harang sa inyong dalawa ni Miranda. I'm the antagonist here. H-hindi mo na kailangang magtago at magsinungaling 'pag nawala na ako sa buhay mo. You chase for love and I'll chase for myself. I'm nothing Zander. I am so nothing to deserve anyone. I'm so fucking full of insecurities."

"Saab..." I broke down

Napaupo ako sa sahig. Nakatukod ang isa kong braso sa kanang tuhod kong nakaangat.

Lumuhod siya sa harap ko.

"Bullshit..." pagak akong tumawa. "Ang gago ko! Ang gago gago ko! Saab, ikaw 'yung hindi ko deserve. Pano ko... dammit!" ginulo ko ang buhok ko at tinakpan ng isang palad ang mukha. Kanina pa nangingilid ang mga luha ko pero hindi ko na kinaya ngayon.

"Huwag mo na akong alalahanin, Zander. I may not be okay right now, but wait 'til soon, I'll be fine. And all of this... Magiging memorya na lamang ito sa buhay ko."

Lumapit siya sa akin at hinagkan ang ulo ko. Niyakap niya ako. Tangina, walang imik akong napaiyak. I've never cried for a girl like this. Dammit, ngayon lang, sa harap niya pa!

"Sumusuko na ako sayo hindi dahil sa napagod akong mahalin ka. Sumusuko na ako dahil sa ating dalawa, ikaw ang bumitaw sa pagmamahalan na'tin. Mahal na mahal kita pero kailangan kitang pakawalan, Zander. " anas niya and so I hugged her back, as tight as I could.

Hindi... Hindi ko kaya, ayoko... Hindi pwedeng ganito...

"I love you..."

Pakiramdam ko sa akin bumagsak ang buong mundo. Para bang kahit anong gawin kong pagpasan nito ay hindi naman kinaya ng lakas ko at ako pa rin ang nasaktan. Sa kagaguhan ko ay ako rin ang mas nasaktan sa nangyari.

Ako ang nagpadala sa temptasyon. Ako ang nanloko. Ako ang unang nanakit. Ako ang unang bumitaw. Ako ang unang sumuko. At ngayon, sa huli, ako rin pala ang masasaktan. Ang marinig sa kanya mismo na pinapakawalan na niya ako ay isang malaking pagguho ng buong pagkatao ko. Tangina, para iyong malakas na suntok sa'kin.

Natakot ako noon sa maaring kahihinatnan ng kagaguhan ko pero ngayong nangyayari na nga ito ay mas lalo akong ginimbal ng takot at pangamba. Napagtanto ko na ayokong mapunta sa iba si Saab. Naiisip ko siya na hindi na akin at iba na ang mahal, namuo ang kamao sa kamay ko, hindi ko pala siya kayang ipamigay sa iba.

"Miranda, I'm sorry... Dammit!" hindi ko kayang tingnan si Miranda.

Lumapit siya sa akin at tumabi. Hinawakan niya ang kamay ko. Masasakit na mga mata ang ipinukol ko sa kanya. She's someone special, I can't deny that.

"It's okay, Zander. This is our fault. Nagpadala tayo. But seeing you now, I don't know if we made the right decision na nagpadala tayo sa attraction ng isa't isa..."

Aaaminin kong naging special si Miranda sa akin. I was attracted when I first saw her. I thought that was it. Pero binigyan kami ng tadhana ng pagkakataon para magkakilala ng husto. Saab is right, she's kind and beautiful.

Until such time hindi na namin namalayan ang oras at panahon, masyado na kaming naging attached sa isa't isa. My feelings was crashed. Nagkabuhol buhol na ang lahat pero pinili kong magpakagago. Nagkaroon kami ng mutual feelings ni Miranda pero hindi na namin naisipang bigyan pa ito ng label. Seeing and talking to her was enough for me which makes label unnecessary for the both of us.

I love Saab, there's no doubt needed. But then there's Miranda. Siguro minahal ko rin si Miranda. She became the focal point of my life that I forgot I have Saab with me. Nagpatianod ako sa naramdaman ko kay Miranda na muntik ko nang isuko si Saab. Pero hindi ko ginawa dahil hindi ko kayang harapin ang katotohanang si Miranda ang mas matimbang sa akin. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng sarili ko.

Pagsuko [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon