PAGSUKO [Part 10]

198 5 0
                                    

Maybe this is how love goes. Definitely, it'll hurt, but the pain will be worth it.

Gaano man kasakit pakawalan ang taong mahal na mahal mo, katumbas naman noon ay ang tuluyan niyong paghahanap at pagbuo sa sariling minsan nang naiwala. Ako, sumuko ako hindi lang para kay Zander kundi para sa sarili ko rin. Gusto kong bigyan ng pagkakataon ang sarili kong mahalin. I want to vanish all of my insecurities. Gasgas para sa akin ang kasabihang 'be yourself'. No, there's nothing wrong with being true to yourself... It's just that, somehow, I want to chase my dreams. Mithi kong makaahon sa sarili kong mga paa.

Kahit gaano pa sabihin ng iba na sapat na kung ano ako noon, there's this point in our lives where wanting to feel better for ourselves is all we need. 'Yung pakiramdam na okay na okay ka na sarili mo, nahanap mo na kung ano 'yung mga gusto mo sa buhay, 'yung natutupad mo na halos lahat ng pangarap mo, at alam mong hindi mo na maramraman 'yung kulang sa'yo kasi hindi mo na makapa 'yung mga insecurities mo noon.

Setting each other free is a mature decision that Zander and I made. We'll work for the betterment of ourselves and our future. We cannot work our relationship well kung pareho kaming wasak at nagkakasiraan na kami. At ayokong sabay lang kaming malunod 'pag nagkataon.

Dito nga nasubok ang tibay ng pagmamahal namin sa isa't isa. I'd be glad kung sa huli kami ang nakatadhana. I've always love him. That wouldn't change.

And now, It's been four years... Parang kailan lang. Ilang buwan ng paghihiwalay namin ni Zander ay tinanggap ko ang offer abroad. Kinuha ko ang intern job sa US. Nagsikap ako na mapaganda ang records at portfolio ko. Pangarap ko na mismo ang lumalapit kaya nagsipag at naging masinop ako. I travelled across the world for photography experiences. My pro co photographers guided me through my succession in this field. I also experienced being hired in some fashion houses or exclusive and elite clothing line owners. That gave me the chance to appear in some advertising agencies, fashion magazines, and catalogs.

I have done works in relation to photography dala na rin ng trainings ko dito, that's why I am currently working as photo editor in TimeOut NewYork Magazine.   

Kung iisipin, doble doble na ang binibigay sa akin ni Lord ngayon. Natupad ko na 'yung edge na pinapangarap ko lang noon. Sobra sobra ang saya ko nang makatuntong ang mga paa ko sa lupa ng America. Kung tutuusin, this is too much to ask.

"SAAB, KAMUSTA KA NA!?" tumitili ang pinsan kong si Justine sa kabilang linya kaya nilayo ko ng konti ang cellphone sa teynga. Kulang na lang sumabog ang eardrums ko sa lakas ng boses niya.

"Ba't ka ba nasigaw? Rinig na rinig naman kita!" bulyaw ko pabalik.

Humagikhik ang baliw kong pinsan.

"Kamusta ang America, Saab?"

"Bansa pa rin siya, Justine. Ano sa tingin mo?" patuya kong sagot.

Kung nakakalula ang buildings ng Makati, walang wala ito sa mga nakakalula at matataas na buildings sa New York City lalo na sa Time Square. Ang ganda gandang panuorin ng mga ito 'pag gabi dahil sa halo halong kulay na umiilaw galing sa mga gusali, dulot na rin siguro ito ng mga naglalakihang commercial television na mga nakasabit.

"Ay grabe sha oh!"

"Bakit ka ba napatawag? Madaling araw na dito, Justine, baka nakakalimutan mo!"

Tumikhim siya. "Ikaw naman ang dehado kaya okay lang para sa akin, Saab."

"Fuck off, Justine." may diin kong panunuya rito. She's insanely crazy, really.

"Uhm... Somebody sent you an email. Please read it." aniya.

"You called me in the middle of this freaking night for that!?"

Pagsuko [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon