Higit trenta minutos rin ang biyahe mula Makati papuntang Intramuros, Manila. Naaninag ko na rin ang nagtataasang buildings ng syudad, tulad na lang din sa Makati. Sinuyod ko ang mukha ng Manila. Medyo magulo at marami talang public and private vehicles kaya quota ang buong Metro Manila sa traffic. This isn't my first time here, pero wala rin naman akong masyadong memorya dito dahil paglibot libot lang naman ang ginagawa ko.
Ang pinaka nagpahanga talaga sa akin dito ay ang well preserved na historic tourist spots. Kahit luma na ang distrito ay makikita mo parin ang taglay nitong kagandahan.
Una kaming nagpunta sa isang matayog na simbahan. Kinukuhanan ko ang mga pamilya at iilang magkasintahan na masayang tumutungo o pumapasok sa simbahan. Pati na ang mga taong bumibili ng kandila sa mga kapos palad na nag-aabang. Ang pagtulong at pag-akay ng iilang mga bata sa mga matanda upang makapasok sa loob ng simbahan. Napangiti ako sa habang nirereview ang aking mga kuha. God, I just love the smiles of my subject! At ang focus nito ay tama lang. Well, not bad.
Kung saan saan pa kami napunta ni Justine para kumuha ng mga shots. I'd always demand for the best since this will be my first Photo Exhibition! Kahit na hindi ko ito solo ay pag iigihan ko pa rin na aangat 'yung akin- as what Pia said- confidently beautiful with a heart, that's what I want to see in my shots. Maganda pero may puso.
"Ang ganda Justine!" sambit ko nang makita ang manila bay. Tanaw na tanaw ko ang magadang sunset!
Saktong hapon na nang dumaan kami ng Pasay.
Syempre, much appreciated ko rin naman ang Makati lalo na at malapit lang din dito ang manila bay at MOA.
I've always loved the sunset. Ito ang magandang setting para makita ng ayos ang paglubog ng araw. It's either along Manila bay or Mall of Asia since overlooking lang naman ito.
"Oh god, Saab, are you freaking serious? Ngayon ka pa lang nakakita ng sunset? You're such a bluff!" nakapa ko agad ang pangangantyaw ng boses niya.
Inirapan ko siya. Whatever. Syempre hindi ito ang first kong makakita ng sunset, I'm human too! It's just that, ngayon ko lang nakita ang kariktan ng paglubog ng araw.
It's disappearance seemed to be flawless. The way the sky turns orange pictured perfect. Tipong namamaalam ito ng hindi napipintasan dahil alam niyang sa isang araw ay naging importante ang kanyang papel na ginampanan sa mundong ito. The sun is like telling me that a beautiful goodbye like him isn't impossible to happen.
So who am I to ignore this beautiful goodbye? Let the photography begin!
"Teka lang, Saab, naiihi ako. Maghahanap ako ng cr."
Tinanguan ko siya. "Okay, dito lang ako. Make it fast."
Tumango ito sa akin at saka kumaripas ng takbo. Itinuon ko ulit ang camera ko sa sunset. I'm gonna capture it's transition! Kumukuha rin ako ng mga picture ng mga taong dumadaan, tulad na lamang ng mga magkasintahan habang magkasiklop ang mga daliri. Them as my subject and the sunset as their background. Iginala ko pa ang aking camera sa mga tao, trying to find a perfect scene for a perfect background.
Nahagip ng camera ko ang dalawang taong magkaharap habang nasa likod nila ang madugong paglubog ng araw. Nizoom ko ang camera ko at tinantya ang focus. Hindi ko na kasi sila masyadong makita dulot na rin ang unti unting pagkawala ng liwanag. Nagmukhang silhouette ang effect nito.
Ngunit taliwas sa inaasahan ko ang nakita ko. Halos manginig ang kamay ko nang naging klaro ang mga mukha nila sa camera. Ramdam ko ang pagbaliktad ng sikmura ko at ang panlalamig na sumibol sa buong sistema ko. Nagiging mabigat na ang paghinga ko at parang gusto ko na lang pokpokin ang aking puso.
BINABASA MO ANG
Pagsuko [Short Story]
Short Story"Sumusuko na ako sayo hindi dahil sa napagod akong mahalin ka. Sumusuko na ako dahil sa ating dalawa, ikaw ang bumitaw sa pagmamahalan na'tin. Mahal na mahal kita pero kailangan kitang pakawalan. " © Shy