"Himala't nagluluto ang gaga." Sinilip ng pinsan ko ang niluluto ko, kakadating lang nito galing trabaho.
Ngumisi lang ako at umirap. Nilalagyan ko fish sauce ang niluluto kong pork sinigang, paborito kasi 'to ni Zander. Napangiti ako, the feeling whenever I think of him still overwhelms and sends butterflies in my stomach.
Napansin kong mataman akong tinititigan ng pinsan kong si Justine, babae po siya na may tunog lalaking pangalan.
"What?" nagsalubong ang kilay ko sa paninitig niya sa akin. Para niya akong binabasa.
"Para sa akin ba 'yang niluluto mo?" tanong niya.
"Marami naman 'to, itatabi na lang kita ng sayo." Utas ko.
She rolled her eyes na para bang punong puno na siya sa akin.
"Is that so? Para kay Zander na naman yan?" tanong niya ng nakatulala sa sinigang na kumukulo. Bumuntong hininga siya. Tiningnan niya ako at nakikita ko ang panghihinayang ng mga mata niya. Okay?
"Ang bitter mo Tine, maghanap ka na kasi ng mamahalin. Hindi 'yung lovelife ko ang pinupuntirya mo." Pinatay ko na ang stove dahil luto na ang sinigang.
Umayos ako ng pagkakatayo at tumuntong sa isang stool para kumuha ng plastic lunch box. Sumandal si Justine sa lababo at humalukipkip.
"Ang hilig mo sa mga gago Saab." Mahina at nakangiwi niyang sabi.
Ngumuso ako dahil narinig ko ang sinabi niya.
"Bitter ka lang eh. Ano bang ibig mong sabihin? Tsaka Huwag ka nang sumimangot diyan, itatabi nga kita ng sinigang diba?"
Sumusuko siyang umiling.
"Tell me, what is it about? Bakit parang umaayaw ka kay Zander para sakin?" naguguluhan kong tanong. Nagtataka ako sa inaasal ng pinsan ko. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o ano kasi hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin ni Justine sa pagpapasaring nito. Hindi rin ako sigurado kung seryoso ba ito.
Hindi naman kasi siya ganito kay Zander dati. Wala naman siyang problema sa lalaki kaya nakakapagtaka na parang nahihimigan na niya ang pagkakadisgusto nito kay Zander ngayon. Para kasing dinidiscourage na siya nito.
Tinawag ko ulit siya nang hindi ko siya kumikibo.
"Huy, ano problema mo kay Zander, Tine? Akala ko ba thumbs up ka sa kanya?" nagtataka ko paring tanong rito.
Lumbay siyang napabuga ng hangin. Mas lalo akong kinakain ng kuryusidad ko. What the hell is happening to my cousin?
"Nothing. Magbibihis lang ako, pakitakip na lang ng maayos niyang sinigang mo kung aalis ka na." lumapit si Justine sa akin at mahigpit akong niyakap. Ramdam ko ang pagod sa mukha at katawan niya. Nagbababad na naman siguro 'to sa trabaho kaya kung anu ano na ang naiisip.
Tamad na pumasok ng kwarto si Justine. Naiiling lang siya.
Nilalalgay ko na ang mga lunch box sa paper bag nang bumukas ang pintuan ni Justine. Hindi siya tuluyang lumabas, sumandal lang siya sa gilid ng pintuan at tinititigan parin ako.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"May share ka ng sinigang kaya pwede ba Justine, tigil tigilan mo ako." May halong pabiro kong sabi dito. Ayan na naman kasi ang mga tingin niyang may kahulugan pero ayaw naman niyang sabihin sa'kin kung ano ang bumabagabag sa isip niya.
"Saab, huwag ka nang umalis. Dito ka na lang, 'di ka naman yaya niyang si Zander." Nakanguso niyang utas pero umiiling iling lang ako.
"Praning ka Justine Arcilla. Syempre 'di niya ako yaya kasi girlfriend niya ako. At responsibilidad ko bilang girlfriend na alagaan ang boyfriend ko, okay?" Tiningnan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
Pagsuko [Short Story]
Kısa Hikaye"Sumusuko na ako sayo hindi dahil sa napagod akong mahalin ka. Sumusuko na ako dahil sa ating dalawa, ikaw ang bumitaw sa pagmamahalan na'tin. Mahal na mahal kita pero kailangan kitang pakawalan. " © Shy