Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Justine sa pad. Ipinagluto na rin ako ng gaga at nag iwan siya ng note pero di ko na binasa iyon baka kung anong bilin lang iyon. Kumuha ako ng apple at kinagat iyon. Dumiretso ako sa sala at binuksan ang tv. Hindi pa ako naliligo o nagtotoothbrush. Medyo tinatamad pa ako eh. Tinaas ko pa ang paa ko at pinatong iyon sa center table.
Ilang minuto pa lang akong natulala sa tv ay may narinig akong katok. Nang hindi ko pa ito binuksan ay sunod sunod na palakas na palakas ang pagkatok nito, para kasi akong tinamad na maglakad. Napapitlag pa ako nang isang marahas na katok ang umalingawngaw.
Napaungol ako sa sobrang inis. Tinatamad ako.
"Ano ba!-" nanlaki ang mata ko nang makita si Zander na seryosong nakatingin sa akin. Naka putting polo na tinupi hanggang siko at Khaki shorts ito.
"What took you so long to open this goddamned door?" salubong ang kilay nito.
Ngumuso ako at napakamot sa ulo. "Tinamad ako eh. Sorry na. Akala ko kung sinu sino lang ang kumatok. Hindi ka naman nagtext sa akin na darating ka."
"My girlfriend is noisy. Just shut up ang give a morning kiss." Ngumisi siya. Pakiramdam ko inaasar niya ako o sadyang seryoso siya dun.
God, hindi pa ako nakakapagtoothbrush!
"Uhm..."
"Hmm?" paghihintay niya sa sasabihin ko.
"Hindi pa ako nagtotooth-"
Nagulantang ako nang bigla bigla niyang hinila ang batok ko at siniil ng masuyong halik. Wala na akong nagawa at nagpatianod na lang sa mainit niyang halik. The warmth of his kiss seemed to be overwhelming. He has tender lips that would make you want to kiss him nonstop. Oh, I'm glad I have him. I love him-no, we love each other, and somehow, that's everything. Hell yeah, I missed him, so much.
Bumitaw kami sa halik at pinagdikit niya ang noo namin. He chuckled. He gazed down at me with a wry smile. His fcking eyes were fcking mocking me. I felt my cheeks heaten up at the thought. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko kaya napahiling ko na huwag sana niyang marinig iyon.
"Ugh, don't make me want something more than just a kiss, Saab. I freaking tell you." Tinitingnan niya ako gamit ang mapupungay na mga mata niya.
"Then, marry me." I smiled at him pero napawi iyon nang marealize ko ang sinabi ko. I sounded so reckless for I don't know the reason why and how the hell I ended up saying those words. Nagulat rin ako na nasabi ko iyon. Kung wala lang si Zander sa harap ko ay baka nasampal ko na ang sarili ko. That was supposed to be a joke, right?
What the hell, Saab?
Nakita ko rin ang pagkagulat sa ekspresyon ng mukha niya. Naging tahimik ang pagitan naming dalawa. Padalos dalos na naman ako, hindi na talaga ako nadala. Gustong gusto ko na ipukpok ang ulo ko sa pader. Ako pa talaga ang nag-insist ng kasal?!
"Saab..." nanlalambot niya akong tiningnan. Kita ko ang agam-agam sa mga mata niya. I know, I understand, hindi pa siya handa. Ako rin naman eh, nagdadalawang isip rin ako kung kaya ko bang panindigan ang nasabi ko.
"I-I'm sorry..." sigurado akong namumula ang pisngi ko.
Pakiramdam ko ay nanliit ako sa sarili ko. Just what the fuck, Saab?
"Just let me in babe." His voice was husky.
Ngumisi ako kahit medyo naiilang sa nangyari sa amin at kalahati naman ay ang mas lalong pag-iinit ng pisngi ko sa itinawag niya sa akin. Naghuhuramentado ang mga paru paro sa tiyan ko, ang landi ko talaga kahit na kami na naman ni Zander. I should stop acting like a teenager.
BINABASA MO ANG
Pagsuko [Short Story]
Short Story"Sumusuko na ako sayo hindi dahil sa napagod akong mahalin ka. Sumusuko na ako dahil sa ating dalawa, ikaw ang bumitaw sa pagmamahalan na'tin. Mahal na mahal kita pero kailangan kitang pakawalan. " © Shy