PAGSUKO [Part 9]

193 3 0
                                    

Gusto kong magalit sa kanila, lalo na kay Miranda pero sa tuwing inaalala ko kung pano nila kamahal ang isa't isa parang nanlalambot ako na puros sakit na lang ang naidudulot nito. Aminado talaga ako na insecure ako kay Miranda na ang magawang magalit sa kanya ay hindi ko kaya. Miranda is a total package woman! She's too damn good compared to me, sabi ko nga, walang wala ako sa kanya. Wala akong maisusumbat sa kanya kaya sino ba naman ako para magreklamo, hindi ba?

Tuptop ng likod ng palad ko ang aking bibig. Kahit na may ibang nakakapansin ng hindi pagiging ayos ko habang naglalakad sa hallway ng ospital ay hindi ko sila binigyan ng pansin. Ang tanging gusto ko na lang ay humupa na ang mga luha ko sa pagdanak at makaalis na lang dito. Half running na ang ginagawa ko sa kagustuhang mapag-isa at makawala sa lugar na ito.

The scene was too damn heartbreaking!


"Just... Uuwi muna akong Ilocos Norte."

Natigil si Justine sa pagbabanat ng manga at mataman akong pinagmasdan. "What? Why? Huh?"

"Bibisitahin ko sina mama at papa d'un. Tsaka baka miss na miss na ako ni Cedric."

Suminghap siya. Para bang gusto niya akong pigilan pero hindi alam kung paano gawin. "Are you sure na... Uuuwi ka talaga? I mean..."

"I am sure Justine." nagkibit balikat ako. "Gusto ko rin kasing makalanghap ng bago at sariwang hangin. And I know, Ilocos can satisfy my needs right now, Justine. Kapag maglalagi ako dito, I may overthink the heartaches."

Bumuga siya ng malalim na hininga at tiningnan ako sa mata. It's like she's telling me that she understand my situation. "Okay... If 'yan ang sa tingin mo ay makakabuti para sa'yo. Basta ipangako mo lang na hindi ka magbibigti, aba't bubuhayin talaga kita para patayin!"

I fake a smile. "I won't. I just need space and you know, time. Kailangan kong magpalamig at iabsorb ang mga nangyari. Malay natin, baka maibsan 'yung sakit na nararamdaman ko."

Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa pasyang umalis. Hinding hindi ko inakala na hanggang dito na lang ang lahat. 'Kay bilis naman ata ng apat na taong saya. Masyadong mabilis 'yung pangyayari na hindi ko napag-igihan 'yung paghahanda.

"Kailan mo balak umalis?"

"Maybe next week. Kailangan ko pa ring ihanda ang mga bagay bagay."


Hindi pa man araw ng aking pag-alis ay ramdam kong malungkot si Justine sa desisyon kong umuwi ng Ilocos. Halos magkasama na kami ng higit pitong taon rito sa syudad ng Makati. Dumayo at Nakitira lang ako sa kanya sa kagustuhang makapaghanap rin ng magandang oportunidad rito tulad niya. Ang kaso lang ay hindi kami pareho ng interes ni Justine. Mas prefer niya talagang magtrabaho sa opisina samantalang ako ay pahirapan pa para lang makamit ang pangarap na maging isang ganap na photographer.

I wanted big. 'Yung may maipagmamalaki ako bilang isang photographer, 'yung tipong hindi lang sumasideline. I want to have my own edge na masasabi kong akin talaga.

"Hindi ka na talaga mapipigilan?" kita ko ang pangingilid ng mga luha ni Justine.

"Hindi na, nakabili na ako ng ticket! Tsaka, bisita ka na lang d'un. Miss ka na rin nila auntie panigurado!"

Umirap siya sa hangin. "Siya nga 'yung halos palayasin ako makapunta lang ako ng Metro, Manila."

Nanliit ang mata ko sa kanya. "Kasi pangarap mo lang naman ang iniisip ni auntie Celine. Buti nga pinayagan kang pumunta rito samantalang ako halos isang linggo akong hindi kinausap nila mama dahil sa gusto kong makapunta rito!"

Pagsuko [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon