Outtake Num. Seis: The Aftermath

4K 274 48
                                    


"HUY! Okay ka lang ba Meng?" Hinila ni Coleen ang kumot na nakabalot sa kapatid. "Simula ng dumating ka hindi ka na bumangon dyan sa kama mo. Ano, may balak ka bang magpatubo ng kabute?"

"Wala 'to Ate Coleen, jetlag lang." Maine pulled the covers over her head again.

"Nag-aalala na sina Nanay sa'yo."

Naupo si Coleen sa tabi ng kapatid. "May nangyari ba?"

Maine groaned under the blanket.

"Anong nangyari sa New York? May problema ba? Sabihin mo, baka magawan natin ng paraan."

"Hindi na yata ako bati ng universe Ate."

"Ha?"

"Naubos na siguro ang good karma ko."

"Anong pinagsasabi mo dyan?"

"Siguro masama ako nung past life ko. Not the murderer kind of bad, cheater siguro ako noon o kaya yung nangdidikit ng bubble gum sa upuan or maybe yung nagkakalat ng basura kung saan-saan."

"Teka, teka- ayusin mo ang pagku-kwento, girl. Bago yang karma mo, una muna, ano'ng problema?"

"Naalala mo yung guy na kinuwento ko sayo noon na lagi kong name-meet sa New York?"

"Si Mr. Dimple? Oh?"

Napapitlag si Coleen nang biglang bumangon si Maine. "HINDI NA SIYA SI MR. DIMPLE ATE; TOTGA NA SIYA! TOTGA!"

---

"Bro, anong meron? Ba't mo ko pinapunta dito? 'Kala ko mamaya pa ang rehearsal." Jerald greeted Sam with something like a cross between a high five and a handshake.

"Kausapin mo." Tinuro ni Sam si RJ na nasa sulok. Nakayuko ito, tumitipa sa piano at paminsan-minsan, sumusulat sa papel. "Sabi ni Tito Richard hindi pa daw natutulog ng matino yan."

"Ano to, may shifting na ba tayo?"

"Hindi pa daw umuuwi yan simula ng dumating dito sabi kanina ni Manong Caretaker."

Napailing si Je.

"Deymmm, son! Anong klaseng babae si New York Girl at may kapangyarihang siyang wasakin ng ganito si Papi?" Jerald tilted his head and re-examined his friend. "Pero, in fairness, ilang kanta na rin ang nasusulat ni Paps. What's bad for the heart is good for the art. Pwede bang hayaan muna natin siya ng ilang araw, baka bukas kumpleto na ang set para sa 2nd album natin."

Pinitik ni Sam ang tenga ni Je. "Kolokoy! Pag hinayaan mo yang mokong na yan isulat ang 2nd album natin, magiging emo na ang bandang to. Hindi lang basta emo, yung cheesy na emo na theme song ng mga bigong katorse anyos."

"O siya, siya. Ako na bahala. Ilang oras ka dito, man? Hanggang anong oras ang shift ko? Si Val ang next after ko diba?"

"Kausapin mo ng maayos yan, malapit na concert natin."

Umiiling na umalis si Sam at iniwan si Je na agad bumaling sa kaibigan.

"UY, TOL! Hanep ah! Eyebags ba yan o Banaue Rice Terraces? Kapagod ba byahe? Kumusta New York?"

RJ answered with a grunt.

"Sandali, hinay-hinay lang, Paps. Andami nating oras. Hindi mo kailangan magmadali mag-kwento."

Jerald pulled up a chair beside him and sat.

"Ansaya ng snow no? Ang init dito sa Pilipinas, di mo ba namimiss?"

Rj grunted again.

"Sabi ko nga. Di mo ba kami kakamustahin? Pinapatay na ni Mama Ten lahat ng nang-aaway sa'yo! Yung sinungaling na starlet na bumalahura sa'yo sa tabloids, tinubuan ng buntot. May 5/6 business na si Papi Sam."

Another grunt.

Bumuntong hininga si Jerald. Pinagmasdang mabuti ang kaibigan. 

After a while, he quietly asked, "Anong pangalan niya?"

RJ paused in his scribbling.

"Maine. Her name is Maine."

---

"HOY MAINE MENDOZA BUMANGON KA NA DIYAN! HINDI KA PA BA NALILIGO? NAAMOY NA KITA BABAE KA! MALAPIT KA NANG TUBUAN NG MOLDS."

Janeeva was tugging the blanket that Maine was desperately clinging onto. "Ayaw!"

"Ilang araw na yan. Pinagbigyan ka na nila Tito sa drama mo pero beh, maligo ka naman!"

"Jan, baka mabura pa lalo yung number niyaaaa..."

"As if naman nababasa mo pa yung number niya!"

"Jaaaaan..."

"Meeeeng..."

Jan finally let go of the blanket. She sat by the foot of the bed.

"Hindi kita pinipilit mag-move on sa isang linggong pag-ibig mo-"

"Hindi kasi yun isang linggong pag-ibig!"

"Whatever! I am not rushing you to forget about TOTGA yet; in fact, I will help you Google-fu him later basta ang akin lang naman, wag mong pinag-aalala sina Tita. Halos kalahating taon mong di nakita--"

"We Skype and Facetime all the time."

"Ako muna, Pilosopo Tasyo, pwede? Your family thinks you're unhappy to be with them. Isipin mo naman ang feelings nila bhe. Maligo ka na please!"

Maine sat against her headboard. Tumingala siya sabay ng pagtulo ng mga luha. "Ang tanga tanga ko beh!"

"Shhh... alam na natin pareho yan, girl, tahan na." Lumapit si Jan at pinunasan ang luha ng kaibigan.

"Naman eh! Wag mo kong patawanin! Masakit pa puso ko!"

"Hay, jeske, sige, ilabas mo na yan para maubos na lahat ng kadramahan sa katawan mo"

"Ang dami naming pagkakataon pero sinayang ko lahat! Bakit ang labo ng universe? On one hand, buti na lang cynic ako kaya medyo na-expect ko na sa universe na baka nga may hindi masayang mangyari and here it is! On the other hand, tang*na! Kaya ako cynic dahil sa mga di masayang pangyayaring ganto eh!"

"Or maybe sinasasabi sayo ng universe na pag sinayang mo ang mga pagkakataong binigay niya ng paulit-ulit, babawiin niya. Kung ako naman si Tadhana, girl, tapos nakita kong tumatanggi ka ng grasya aba edi wag, ayaw mo yata eh. Ganern!"

"Pero gusto ko na Jan! Gusto ko na!"

"I guess, that's lesson learned for you bhe." Jan finally pulled Maine successfully out of her bed. "Ligo ka na! Baka bawiin din ng universe ang tubig n'yo! Mamaya, tulungan kitang huntingin online si TOTGA."

Jan piled bath robe on her before pushing her to the bathroom.

"Thank you Jan. Salamat kasi sinasakyan mo kadramahan ko. Salamat for being a good friend."

"Anong salamat? May bayad to uy! You promised, remember? Sasama ka sakin sa concert ng The Wave bukas makalawa!"

"Oo nga pala. Sana payagan pa 'ko nila Tatay."

"Girl, naipalam na kita! Ako pa ba?" 

Jan blew on her nails and buffed them on her sleeves.

---

"Basta Papi, focus muna tayo sa concert, okay?"

"I'm focused. I am focused." He was not.

His hair was mussed. His stubble was getting noticeable. His eyes bleary, evidence of his sleepless state.

"We need to see the Alden Richards sa concert. Iwan mo muna si RJ Faulkerson ng sandali lang. Promise samahan kita maghanap ng P.I. para ipahanap yang nagnakaw ng ngiti mo."

"I assure you, on the day of the concert, Alden Richards will be there."

"O, patingin na ng Alden Richards na ngiti..."

RJ glared at Je.

"Hindi naman ngiting Alden Richards yan e. Yung labas ang nag-iisang dimple mo Papi!"

RJ sarcastically smiled at his friend.

"Haaay... kailangan yata nating practice-in din ang ngiti ni Alden Richards."

SerendipitousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon