This is the End (But Not Really)

8.1K 402 135
                                    

Later in their sleep over, Jan turned to her when the light are off and they couldn't see each other in the dark.

"If you don't want to talk about what happened inside that room, talk to me instead of why you tried to run instead."

"Ewan ko Jan. Antok na ko. Tulog na tayo. Bukas na lang tayo mag-usap."

"I just wanna know kung tama ba ang naging decision ko kanina. Alam mo laging kong sinasabi na 'I got your back' pero I pushed you tonight. You know I will support you in your decisions pero may mga oras din na kagaya ngayong gabi, hindi ko kokonsintihin yung di mo pagharap sa isang bagay. So tama ba ko Meng? Just making sure para next time, alam ko kung ipupush kita o tutulungan tumakas."

"You're a good friend Jan. Kahit na minsan traydora ka haha pero to be honest, I needed that I guess. Alam mo naman ako, pag nati-trigger ang fight or flight instincts ko, tinutubuan ako ng pakpak."

"Weh? Ba't di ka lumipad papunta sa kanya?"

"E kasi naman. Hindi talaga ko prepared. Natuyuan na ko ng pawis at lahat, ano ng amoy ko diba? Mukha akong puyat na panda na sumabak sa giyera sa Baclaran."

She tries to laugh it off.

"Yung totoo, Menggay."

"Hindi ko din alam. Bigla na lang pumasok sa kokote ko yung pinag gagawa ko sa New York tapos nahiya ako sa sarili ko. Shemay! Alam mo yun, ang tapang tapang ko kasi di naman ako kilala ng mga tao dun tsaka kebs lang kasi in a few months I'm never going to see them ever again. Tapos ayun, nakilala ko si RJ. I never expected him to be this kind of a person. I know he's the same person pa rin naman pero him being in the spotlight, it changes things."

She kicks off her blanket in frustration.

"Tapos naalala ang landi ko pala sa New York bhe! Ang landi-landi ko haha. Bigla akong nahiya sa sarili ko. Kaya ayun, I ran. Or tried to anyway. This is me Jan. I sabotage myself. Alam mo to."

Jan reaches out her hand to pat Maine's. Pero madilim kaya nangapa muna siya bago niya nahanap ang kamay ng kaibigan.

"Be brave, Meng. You know you have it in you. Mas matapang ka kaya sakin. Tsaka kelangan ko munang i-exploit ang friendship natin for my autograph needs and VIP passes sa shows ng The Wave."

"Hahahaha! Baliw ka talaga!"

"Pero seryoso, haba ng hair mo tonight girl! Pang shampoo commercial lang ang peg! Shining, shimmering, splendid! Ganoin! Yung mga tingin sa'yo ni Papi, iba! Kung alam mo lang kung ilang libong babae ang handang mag-alay ng ginilitang manok para sa posisyon mo ngayon."

"I know." Tahimik niyang sagot.

"Bhe, I am not talking about your ex-TOTGA being Alden 'sexy mofo' Richards. Ang tinutukoy ko ay yung sparks n'yo. Ang lakas! Alam mo ba kung gaano kabihira yun? Pag naga-ground lang ako ng wire nakaka-feel nun pero sainyo, tinginan pa lang! Ay o—lakas makahugot sa MERALCO! Sana talaga literal na mahaba nag buhok mo, ang sarap apakan!"

"Talaga ba?"

"Wag kang maang-maangan dyan, babae ka. Gusto mo bang bawiin s'ya ulit ng universe?"

Maine doesn't answer but Jan hears it in her best friend's silence anyway.

"Yun naman pala e." Then after a beat, she adds. "So bakit nga kayo parehong nagba-blush ng lumabas ng kwarto ni Papi?"

"Ang kulit!"

Jan laughs. "Ang harot please!"

Binato siya ng unan ni Meng.

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SerendipitousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon