Nagmumuni muni si lila sa kanyang silid naguguluhan..
Hindi niya malaman ang sitwasyong kanyang napasukan di naman siya basta basta makakaalis sa poder ni Madam Mila dahil sa malaki ang naitulong nito sa kanya para magkaroon ng disenteng pansamantalang matitirahan at mapapasukan.
Malaking halaga ang dapat niyang bayaran dahil sa lalaking nabasagan niya ng bote sa ulo.
Kinaumagahan inihinto ni Lila ang kanyang gawain hindi siya nag tinda at namulot ng bote sa daan.
Nagpaturo siyang sumayaw kay Sandra na isang tagabigay ng aliw sa mga nanood sa club.
Si Sandra ang isa sa mga patok na mananayaw sa kanilang club
Bagamat nakatapos ng high school mas pinili ni Sandra na magsayaw dahil sa kailangan niyang padalhan ang kanyang inang may sakit sa catanduanes at mga kapatid na kapwa nagaaral ng elementarya ang kanyang ama ay nakikibukid sa may ari ng kanyang sinasakahan. Tunay na hikahos sa pera ang pamiya ni Sandra. Siya lamang ang inaasahan ng pamilya. Bagong Salta sa Maynila si Sandra ng wala siyang makuhang matatag na trabaho naghahera, nagsales lady at promodizer etc. lahat ng trabaho kanyang pinasukan ngunit di makasapat para bumuhay ng isang pamilya.
Kinagabihan
Natuto si Lila magsayaw sa isang maharot at magaslaw na sayaw kumekembot kembot sa harap ng entablado.
Gabi gabi laman ng club si Lila nag ipon siya ng pera .
Sa edad na 15 naging mahusay na mananayaw si Lila. Nagpalit siya ng pangalan sa club kilala siya sa pangalang black panther.
Binago rin niya ang kanyang pangalan mula sa pangalang Lila naging Erica Montez kagaya ng suhestiyon ni madam Mila.
Muli siyang nagpabinyag at nagpakumpil sa simbahan bagamat siya ang pinakamalaki sa mga sanggol na pinanganak di siya nahiya . Nilakasan niya ang kanyang loob kahit sa likod ng mapanuring mga mata may mga taong di makaintindi ng kanyang katayuan. Nagsilbing ninang ang mga GRO at ninong ang kanyang mga kaclose ng parokyano.
Naiiling ang sakristan ng bebendisyunan na si Lila ng pari
"Ikaw ay pinangangalanan kong Erica Montez.. ikaw ay isang katoliko na"
Nagpa late registration siya sa NSO at inayos ang kanyang pinagkakakinlanlan nilagay niya pangalan ng kanyang yumaong magulang sa birth certificate at authenticate.
Kahit malaki ang kanyang nagastos sa paggayos ng kanyang papeles
pinaghusayan pa rin niya ang pagsasayaw kahit umabot na sa puntong binabastos na siya ng mga manyakis na customer pikit mata siyang sumayaw at sumabay sa maharot na musika.
Pumunta si Erica sa elementary school nagaral siya uli habang nagaaral sa umaga sumasayaw siya sa gabi .
Nag undergo siya ng accelerated program para mapadali ang kanyang pagtatapos ng pagaaral ng elementary at tumuntong ng high school.
sinadya niyang malayo ang pinapasukang eskwelahan at kanyang tinutuluyang club para hindi siya mapulaan ng tao sa kanyang paligid.
Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon isang guro sa pinapasukang niyang eskwelahan ang nakakita ng kanyang ginagawa.
kasalukuyang nasa high school (25 years old) na si Lila break time sa kanilang eskwelahan kumakain siya kasama ang ilang kamag-aral sa eskwelahan
Nilapitan siya ni Mr. Cruz isang professor sa kanyang math class at binulungan
"alam ko kung sino ka Erica Montez"
"namula si lila sa kanyang narinig sa kanyang professor"
BINABASA MO ANG
Black Sorrow
RandomBlack Sorrow istorya ni Elsa na laki sa hirap . Makakahanap kaya siya ng tunay na pag ibig sa isang lalaking mapaglaro sa mga nakakarelasyon niya? Mahahanap kaya niya ang pangarap sa buhay na tinatahak ? Lets read mga ka wattpad :)