Kyla's POV
"Tyler! Pakiss! Tim ang gwapo mo! Harry ang hot mo waaah!" Tiling pasabi nung babaeng isa sa mga nag-aabang sa pagpasok nung tatlong ungas na 'yun.
Ito ako ngayon nakatayo sa harap ng room namin nakadungaw at kitang kita ko sa quadrangle ang pagpasok 'nung kotse at iniluwa 'nun si Tyler, Tim at Harry, sabi ko naman sa'yong sikat silang tatlo diba.
Kaya puro bakla at babae yung quadrangle. Mga nakaharang sa daan! Inis kong sabi sa isip ko.
"Tyler! Papicture OMG!"
"Tim, pahinging number mooo!"
"Harry magdate tayo! Please!?"
"WAAAAH! ANG GWAPO NILA!" Ang ingay ah! Puro tilian. Dere-derecho lang sila sa paglalakad at wala silang pinapansin.
Maya maya nahagip ako ng panigin ni Tyler. Kinindatan niya ko at napatingin ako sa gilid ko baka naman hindi ako 'yun pero walang tao sa paligid ko.
Nag smirk siya at nag-blush ako pero di ko pinahalata. Nagbelat lang ako at medyo natawa.
Pumasok na sila ng building, Pumunta pa ata ng locker area.
Siya nga pala, halos isang buwan na 'yung nakalipas 'nung nag overnight swimming kami. Paano kami naka uwi?
Tinawagan niya 'yung driver nila sa bahay ay este mansion nila at nagpasundo dito. Sinabay niya narin ako. RK siya eh.
Maya maya ay tumunog na 'yung bell, hudyat ng simula na nga klase. Pumasok ako ng room at umupo sa pwesto ko. Maya maya dumating na yung tatlong ungas. Hingal na hingal sa pagtakbo.
Teka, medyo naging close kami ni Tyler. Lagi nya kong tini-treat at sinasabay sa kotse niya pauwi. Feeling ko nga nagugustuhan ko na siya. Ang sweet niya kasi. Parang nanliligaw pero hindi, ang feeling ko talaga!
Kinilig ako 'nung hinawi nya yung bangs niyang bagsak at wavy para tumayo. Bat ganun!? Ang gwapo niya be!
In fact, magkatabi kami ng seat. Medyo kinikilig ako habang nagde-daydream.
"Good morning, Kyla," Bati ni Tyler sa'kin.
"Hmmm good morning din!" I smiled and he smiled back.
At bigla naman pumasok si Sir Cain, ang hot naming professor. Fresh from graduation at board exam, 23 years old at unang taon niya rito.
Minsan nga napapanganga ako sa sobrang hot niya. 'Pag 'yung pawis siya at binubuksan n'ya yung dalawa niyang butones sa taas ng shirt niya kaya nakikita kalahati ng chest nya. Ang yummy! Shit ang landi ko talaga.
Okay okay ito, nagdaldal na naman si Sir. 'Di ako nakikinig. Nakatitig lang ako sa mukha niya at nakikipag-kwentuhan kay Tyl.
"Kyla and Tyler, First warning!" Sigaw ni Sir na ikinagulat ko. Nahuli kaming nagkukwentuhan, natatawa ako sa isip ko.
Tapos nu'n tumahimik na kami at napilitang makinig sa lesson. Inaantok ako sa lesson, hays.
"Kyla, maiwan ka mamaya mag uusap tayo," Sabi ni sir puta bat parang kinakabahan ako.
Umo-o nalang ako.
After nung class ay nagsilabasan na silang lahat.
"Kyla, antayin kita sa quadrangle?" Tanong ni Tyl.
"Sige sige. Salamat," He smiled as a respond at lumabas din ng room. Ako nalang ang natira sa room at si Sir Cain, lumapit ako sa kaniya.
"Kyla, ikaw ang pinakamababa ang score sa huli kong binigay na exam," Bigla akong nalungkot at napatingin sa sahig.
"Pero sir, paano yan?" Malungkot kong sabi at napatingin sa kanya.
"Simple lang, kaya kong dayain at gawing perfect ang score mo sa isang condition," Tumayo siya at ni-lock ang pinto, sinara niya rin 'yung mga bintana.
Naiisip nyo ba ang mga naiisip ko?
Oo tama ka be!
Teka ready na ba ko. Hmmm oo na sige na nga. Para lang maipasa ko yung exam. Scholar kaya ako! Umupo siya sa tapat ko at napalunok ako ng laway.
"Maglalaro tayo ng..."
Shit ito na.
"Snake and ladder pagnanalo ka. Perfect ka na sakin,"
Puta.
Tama ba narinig ko?
***

BINABASA MO ANG
SCENERY
Ficción GeneralSaan nga ba mauuwi ang isang gabing puno ng kasalanan at sarap sa buhay ni Kyla? Nang pag-fiestahan siya ng magbabarkadang sina Tyler, Tim, at Harry na mga kilalang kilala at sikat sa kanilang campus. Ano kaya magiging kahihinatnan nito sa kanila?