Chapter XIV

15K 59 0
                                    

Tyler's POV

"Not so fast Tyler," Pagsingit ni Cindy.

"Bakit mo ba 'to ginagawa ha? Bakit ayaw mo akong lubayan? At dinamay mo pa ngayon si Kyla? How dare you!?" Galit kong pagkasabi.

Halos mapaluha na siya at akmang magsasalita.

"You know Tyler that I love you so much. Ang gusto ko lang naman ay balikan mo ko. Ayusin natin lahat ng ito, makipagbalikan ka sa'kin please," Paliwanag niya.

"Ayusin? Wala nang dapat ayusin dahil sirang sira na Cindy. Hindi na mababalik lahat lahat!" Sagot ko.

Mula sa malungkot at umiiyak na mukha ni Cindy ay bigla itong naging matapang at galit.

"Ah ganun?" She smirked at itinutok 'yung baril sa noo ni Kyla.

"Don't you fucking dare to kill Kyla, or else I'm the one who'll kill you," Banta ko.

"Talaga? Tutal wala naman nang mababalik. Magsama sama na lang tayo sa impyerno," Banta niya, she's stronger than before.

"Boys?" Sigaw niya at saka lumabas ang mga tauhan ni Cindy na nasa likuran ng mga tambak.

"Alam niyo na ang gagawin niyo," She smirk again at tumakbo 'yung mga tauhan niya papunta sa'kin.

Hinihanda ko ang sarili ko dahil alam ko bubugbugin nila ako. Sinuntok ko 'yung akma sanang sasapakin ako.

Dinampot ko yung dos-por-dos saka pinagpapapalo sa mga umatake sa'kin hanggang sa masipa ako ng isa sa likod kaya nadapa ako, nabitawan ko ang kahoy na hawak ko.

Puta.

Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at pinatayo ako, ni-lock naman ng isa yung mga braso at leeg ko dahilan para di ako makapalag.

Sinikmuraan ako ng isa, sinapak ako sa mukha nung isa, sinipa ako sa tiyan, tuloy tuloy ang mga suntok nila sa'kin.

Hinang hina na ko, hindi na ko makapalag. Halos 'di na ko makatayo at narinig ko si Cindy na humahalakhak.

"Ano Tyler? Magmamatigas ka pa rin?" Pang-aasar niya.

"Si Kyla ang mahal ko," Sabi ko kahit hinang hina na ko. Napatingin ako kay Kyla, humahagulgol siya, walang tigil sa pag-iyak at nagmamakaawa na itigil na ang pagbugbog sa'kin.

"Kyla, mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan 'yan," Bulong ko.

Nanlambot na ang mga tuhod ko. Napaluhod ako.

"Cindy! Itigil mo na 'yan!" Sigaw nung lalakeng nasa pinto.

"Bakit Tim? Sino ka at para diktahan ako? Pagsisisihan mo lang na sumaklolo ka pa rito dahil itutumba na rin kita," Panakot ni Cindy.

"Talaga? Eh paano kung sabihin kong may back-up ako?" Unti unti akong lumingon kung nasaan si Tim. Pumasok rin si Harry, Shella, at Alexa.

At pumasok rin ang mga pulis at pumwesto ng may hawak na baril.

"Cindy, sumuko ka na at napapaligiran ka na namin!" Sigaw nung pulis.

"Boys, alam niyo gagawin niyo," Paalala ni Cindy.

Binitawan ako nung nga tauhan niya at naiwang nakahalandusay sa sahig. Hinang hina at 'di maigalaw ang katawan.

Nakita kong pinagbababaril ng mga pulis ang mga tauhan niya.

Nakita kong kinalagan ni Cindy si Kyla at niyapos niya ang kaliwang braso niya sa leeg ni Kyla at nakatutok ang baril nito sa sintido ni Kyla.

"Walang lalapit! Papatayin ko ang babaeng ito," Banta ni Cindy nang makalapit ang mga pulis.

"Cindy, sumuko ka na nang mapagaan ang sintensya sa'yo!" Sabi nung isang pulis.

"Don't dictate me. Ang gusto ko lang ay si Tyler pero 'di niya ako pinagbibigyan kaya papatayin ko na ang babaeng ito!" Sigaw ni Cindy.

Naiinis ako sa sarili ko. Wala akong magawa. Hinang hina na ko, hindi ko mapagtanggol ang taong pinakamamahal ko. Ayaw tumigil sa pag-iyak si Kyla. Nakita kong unti unti nang pinipihit ni Cindy ang baril—

At saka ako nakarinig ng dalawang putok. Binaril ng mga pulis ang braso ni Cindy dahilan para mabitawan niya ang baril at isang tama sa legs nito para matumba siya sa kaniyang pagkakatayo.

"Aaah!" Namilipit sa sakit si Cindy at si Kyla naman ay natumba rin. Hinang hina na rin siya.

Gumapang siya papunta sakin at niyakap niya ako.

Umaksyon na ang mga pulis.

Nakita kong duguan ang legs ni Kyla, tila ba may umagos na dugo mula sa kaniyang ari. Kinabahan ako roon.

"Ang baby ko!"

***

SCENERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon