Chapter XI

20.8K 64 1
                                    

Kyla's POV

"Tyler ano na naman ba 'to? Wag mo na nga ko paglaruan kung pinaglalaruan mo rin lang naman ako," Sabi ko at biglang natahimik siya sa kaniyang pagkaka-upo.

"Hindi naman sa ganun Kyla, ganto kase nangyari, naki" 'Di niya natuloy 'yung sinasabi niya habang nagsasalita dahil tinakpan ko 'yung bibig niya.

"I don't wanna to hear any explanation. Basta bumawi ka ngayon," Sabay irap ko at yakap sa stuff toy na nakalagay sa kotse niya. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. 'Di kami nagsasalita.

Pansin ko ang bango ng kotse niya ah, amoy lemon, nagbago na siya ng scent. Maya maya nakarating kami sa amusement park.

WAAAAAH AMUSEMENT PARK!

Matagal ko nang gustong pumunta rito. Yehey! Pero 'di ko pinapakita na natuwa ako, natuwa ako dahil sa dinala niya ko rito. Poker face pa rin ako hanggang sa makarating kami sa loob.

"Oh saan mo gusto sumakay?" Tanong niya.

"Roller coaster," Tipid kong sagot na naka-pout parang nagpapacute ba.

Ngumiti siya at hinila ako para bumili ng ticket. Then, pumila kami, after five minutes nasakay na kami. Medyo kinabahan ako. Hala parang ayoko na, atras na kooo.

"Tyl parang ayoko na kinakabahan ako!" Sabi ko sa kaniya.

"'Wag kang kabahan nandito naman ako sa tabi mo," Sabi niya ng nakangiti.

Hmmm okay, medyo natanggal naman kaba ko.

Nung una medyo mabagal. Ang higpit ng kapit ko sa braso ni Tyler, maya maya bumibilis na.

"WAAAAAAAAH TYLEEEEEER!" tili ko nung biglang bumulusok pababa 'yung roller coaster! Kakatili ko ay halos magasgas na lalamunan ko at mabingi na si Tyler.

"KYLAAAAA WAG KANG TUMILI ANG SAKIT SA TENGAAAA!" Nabuwiset na yata kakatili ko, natawa ako.

Pero wala eh, natapos 'yung roller coaster ride na tili pa rin ako ng tili. Nung makababa na kami. Kinukutkot niya yung tenga niya.

"Kyla, nabingi ako sa tili mo," Sabi niya.

"Sorry na," Nagpa-cute na naman ako at medyo nangiti siya. Haha parang alam ko na weapon ko ah.

"Gusto ko pumasok doon sa horror house!" Napangiti siya ng malaki at ako naman nanlaki mata ko. Nakakatakot doon!

"Ayaaaaaaw," Sabi ko nang naka-pout ulit.

"Oo! Papasok tayo," Sabi niya at bigla akong hinila.

"POTA KA TYLER 'PAG AKO HINILA NG ZOMBIE AH!" sigaw ko at saka siya tumawa ng malakas. Hinampas ko siya sa dibdib atnang bigla akong hawakan ng zombie sa paa–

"AAAAHHH!" Bigla ako napatili at nagtatalon. Tawa lang siya ng tawa hays.

"TYLEEER!" Inis kong sigaw.

"Bakit?" Natatawa niyang sabi at nagpatuloy kami sa paglalakad. Ang dilim, nakakatakot—

Maya maya nakakita kami ng karatula na nakalagay, 'Warning: Danger Ahead' at may bakat pa na dugo na korteng kamay.

Dahil sa takot ko napayakap ako kay Tyler ng mahigpit.

"Chansing," Sabi niya ng medyo natawa. Aba!

SCENERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon