Chapter XIII

16.4K 54 0
                                    

Tyler's POV

Alas kwatro na nang madaling araw at 'di pa rin ako makatulog. Naghanap kami nila Tim kanina. Nagsumbong na rin kami sa mga pulis. 'Di ko na alam ang gagawin ko, sa kakaisip ko, 'di ako makatulog.

Kanina pa ko iyak ng iyak. Kalalaking tao ko umiiyak, tsk. First time kong umiyak nang dahil sa isang babae, hays.

Siguro kung sinabi ko ang totoo, 'di sana siya tatakbo at madudukot. Oo, aaminin ko mahal ko siya pero natakot lang ako umamin. Mahal na mahal ko siya, sobra.

Di ko naman ini-expect na madudukot siya. Puta ang tanga tanga ko, kasalanan ko lahat 'to. Dahil sa inis ko inuntog ko noo ko sa pader.

"Aray!" Sigaw ko at nagkabukol pa noo ko. Tanga nga talaga. Bumaba ako ng bahay at kumuha ng yelo at towel saka ko binabad sa noo ko. At biglang may tumawag sakin—

Unknown number.

Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba pero dahil sa iba ang pakiramdam ko ay sinagot ko 'yun.

"Sino to?" I immediately said.

"Oh, Tyler wala ka pa ring pinagbago," a familiar voice that I heard, it's Cindy.

"Ano bang kailangan mo?" Sabi ko ng medyo naaasar na ko.

"Well, 'di na ko magpapaligoy ligoy pa, hawak ko si Kyla," Then she chuckled.

Puta.

"TANGINA KA, ANONG BALAK MO? BAKIT MO SIYA PINADUKOT? ANONG GINAGAWA MO SA KANIYA? ANONG KAILANGAN MO SA'MIN!" sigaw ko sa galit.

"Relax, she's in good hands now. Also she's slut right? So, binigay ko gusto niya. Ang gusto ko, bumalik ka sa'kin at ayokong mapunta ka sa social climber na 'yun. Pumunta ka sa lumang bodega ng alas sais. No more no less, ikaw lang. 'Wag kang magsasama ng pulis. Kung hindi, papatayin ko talaga ko," sabay bigla niyang binaba 'yung tawag.

"TANGINA KA TALAGA CINDY!" Sigaw ko.

Dahil sa galit ko, nabato ko 'yung lamesa dahilan para malaglag ang baso at nabasag 'yun.

Cindy, magbabayad ka!

Kyla, hintayin mo ko, ililigtas kita.

**

»Kyla's POV

Uuuh–

Ang sakit ng ulo ko.

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata. Nahihilo ako.

Teka–

Bakit parang hindi ko maigalaw ang mga kamay ko?

Tuluyan kong idinilat ang mga mata ko at sinuri ang paligid. Nasaan ako? At nakagapos ako.

"Tulooong!" Saklolo kong sigaw kung sino man ang nasa paligid.

Ah naalala ko na ang nangyari bago ako nakatulog. Dinukot ako ng mga 'di ko kilalang mga lalaki.

Ano bang pakay nila sa akin?

"Tulong! Pakawalan ninyo ako rito!" Sigaw ko.

"Don't waste your energy para lang nagsisisigaw d'yan. Nagsasayang ka lang ng laway because one can hear you to help you in your situation right now. So, just shut your mouth dahil naiirita ako sa boses mo at baka 'di ako makapagpigil ay baka paputukin ko ang bao ng ulo mo," Sabi nung nasa likod ko at humagikgik siya pagkatapos.

"Sino ka? Pakawalan mo ko! Anong ginawa ko sayo at para kidnapin mo ko?" Taranta kong tanong.

"Aba't nagtatanong ka? Inagaw mo lang naman sa'kin ang lalaking pinakamamahal ko. Nang dahil sa'yo ayaw na niya sakin," Paliwanag niya at narinig ko namang ikinasa niya ang baril. Hindi ko siya makita dahil nasa likod ko siya at nakagapos ako.

"Sino ka ba talaga? Wala akong alam sa sinasabi mo! Please nagmamakaawa ako pakawalan mo na ko," Nangilid na ang mga luha ko sa gilid ng mga mata ko.

Humarap siya sa akin at may hawak siyang baril. Teka parang kilala ko siya!

"Cindy?" Mahina kong tanong.

"Right guess bitch," At biglang gumihit ang smirk sa mga labi niya.

"Ma'am Cindy! Sila Tyler, nandito na sila, binubugbog 'yung mga bantay sa lab–" Hindi na nito natuloy ang sinasabi niya dahil hinampas ni Tyler ng dos-por-dos ang likurang bahagi ng ulo nung lalaki.

"Tyler!" Sigaw ko.

"Kyla!" Sigaw rin niya at akma na siyang tatakbo papunta sa'kin pero humarang si Cindy.

"Not so fast Tyler,"

***

SCENERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon