Chapter XV

21.3K 88 9
                                    

Kyla's POV

Dahan dahan kong iminumulat ang mga mata ko. Bakit ang liwanag?

Nasa langit na ba ako? Nasaan si San Pedro?

Kinusot ko ang mga mata ko at nang luminaw ang paningin ko ay napagtanto kong mga ilaw lang pala iyon sa kisame.

Iginala ko ang mata ko, nasa ospital ako? Ginala ko pa ang mata ko at nakita ko si Tyler.

"Oh Kyla! Gising ka na rin sa wakas!" Akma na siya babangon sa pagkakayukod niya sa tabi lang ng kama ko pero napa-aray siya dahil sa sakit ng likod niya, napatawa na lang siya ng mahina ganoon din ako.

Dahan dahan siyang tumayo at naglakad papunta sa akin. Umupo siya sa harap ko.

"Kyla ang baby? Sino ang ama ng baby? Ako ba?" Tanong ni Tyler na sa tono ay medyo may 'pag aalinlangan pero hindi rin niya maitatago ang excitement.

Biglang nagflashback sa isip ko lahat ng nangyare noong gabing yun, unti unti kong inalala.

Aha! Naalala ko na. Si Tyler marahil talaga ang ama. Dahil siya ang unang nagputok ng likido niya sa loob ko, siya marahil ang nakabuntis sa'kin.

Oo, sigurado ako at pintig ng puso ko na rin ang nagsasabi, si Tyler ang ama ng anak ko.

Tumango ako at ngumiti.

Laking galak niya nang malaman iyon at niyakap niya ako.

"Kyla, sobrang saya ko! Ipinapangako kong magiging mabuting ama ako para sa magiging anak natin at magiging mabuting asawa mo ko!" Sabi niya.

Bigla kong naalala yung huli naming pag-uusap sa university. Biglang umurong ang dila ko at nalungkot ako–

"Asawa? 'Di ba sabi mo kaibigan mo lang ako?" Sabi ko at tumingin sa ibang direksyon.

Nagtaka siya, hindi nakapagsalita at nang mapagtanto niya ay bigla siyang napayuko.

"Kyla let me explain, nung mga oras na iyon, bigla akong naduwag. Naduwag akong sabihin sa'yo ang totoong nararamdaman ko, bigla umurong ang dila ko at hindi ko tinuloy ang dapat kong sabihin pero ang totoong nararamdaman ko para sa'yo ay kabaliktaran ng sinabi ko. 'Yung babaeng kausap ko nun kaya ka nagselos, si Shella yun. Girlfriend ni Harry, nagtatanong siya ng mga bagay bagay tungkol sa boyfriend niya. Kyla, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa'yo 'to. Kahit pa hindi maganda ang una nating pagkakakilala eh, na-fall na ko sayo. Sa iisang babae lang ako nagkaganito. Ang isang Tyler na campus playboy ay na-fall sa isang babae, at ikaw yun Kyla," Tumingin siya sa mga mata ko. Nakita kong sincere siya sa mga sinabi niya at naramdaman ko na lang na napaluha na pala ako.

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Sorry sa lahat Tyler, Mahal na mahal na mahal kita," Bulong ko.

"Mahal na mahal na mahal din kita Kyla," Tugon niyang bulong sa tenga ko.

**

After Ten Months.

"Mahal ko!" Pagtawag ni Tyler sa'kin.

"Bakit mahal ko?" Maikli kong sabi at napangiti.

Narito kami ngayon sa gitna ng quadrangle ng campus at naglalakad habang hawak niya ang bewang ko.

Ipinagpatuloy namin ang pag aaral. Nasa fourth year college na kami, graduating na!

Nga pala, sinagot ko na siya one month ago matapos ang mahaba haba niyang panliligaw, halos nine months din niya kong niligawan.

At ang baby namin? Si Baby Tyler Jr., Three months old na siya!

At si Cindy naman nakulong na. Dapat niya lang pagbayaran ang mga nagawa niya sa'min, muntik niya pang mapatay ang baby namin ni Tyler. Buti na lang malakas ang kapit ng baby namin.

At si Tim at Alexa? Mukhang sila na nga ata, pero itinatanggi pa rin nila. At si Harry at Shella stay strong pa rin.

Habang naglalakad kami ay nagulat ako nang bigla may humarang na mga lalake sa harapan namin, tumalikod sila at nakita kong may letra sa likod ang bawat isa sa kanila.

'W-I-L-L Y-O-U M-A-R-R-Y M-E-?'

Nang mabasa ko iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Doon na kami simulang palibutan ng mga estudyante rin, naghihiyawan sila na tila ba, kinikilig!

Namula ako lalo at nakita ko sa building na bawat floor ay may mga taong nakadungaw at pinapanood kami. Nakita ko rin ang pag baba ng vertical na tarpaulin.

'W
I
L
L

Y
O
U

M
A
R
R
Y

M
E
?'

Sabay pumutok ang mga poppers at sila Tim, Alexa, Shella, at Harry ay nagsimula nang maghagis ng mga confetti sa'min ni Tyler.

Lalong naghiyawan ang mga estudyante nang lumuhod sa harap ko si Tyler. Kinilig ako bigla!

"Kyla," he summoned my name and I looked at him, not letting my tears burst in my eyes.

"You know that I love you so much, and now I want us to be more happy and stronger. I want to be your husband for the rest of our lives, I want you to be my wife and I want you on my side while we're getting older with our son. I love you Kyla, Will you marry me?" Tanong niya, medyo maluha luha na siya sa tuwa.

At di ko na rin napigilan ang mga luha ko. Ang lalakeng pinakamamahal ko ay nagpo-propose sa harap ko ngayon. Tatanggi pa ba ko?

"I love you too Tyler, it's a yes!" Dahil sa sagot ko eh lalong nagtilian ang mga tao.

He insert the engagement ring to my ring finger, he stood up and we kissed tenderly. Then, we hug each other so tight, not letting me go with his arms.

The End.

***


Date completed: December 26, 2016
Full revision: March 21, 2020

SCENERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon