Tim's POV
Nandito ako ngayon sa bleacher nag-iisa na nakaupo. Bigla kaseng hinila ni Tyler si Kyla, nagkukwentuhan pa kami eh, pero ayos lang. Alam ko namang nagkakamabutihan na 'yung dalawang 'yun.
Nakahalumbaba ako habang nanonood ng mga nagvo-volleyball. Ewan ko pero parang nagpapa-impress sa'kin yung mga player, napangisi kong naisip. Maya't maya kasi 'yung tingin sa'kin, akala nila 'di ko nahahalata.
Maya maya biglang may umupo sa tabi ko. Pero hindi 'yung dikit na dikit mga two seats in apart. Narinig kong umiiyak siya. Tumingin ako at nakatakip yung kamay niya sa mukha niya.
"Miss, mukhang kailangan mo 'to," Inabot ko sa kaniya 'yung panyo ko at tumitig sakin ng mga two minutes.
Kinuha niya 'yung panyo ko at pinunasan niya 'yung mga luha niya na nagkalat na sa mukha niya. Tapos, ang 'di ko ini-expect ay sisingahan niya pa ng sipon, natawa ako ng kaunti, eh ginusto mo yan Tim eh, pa-fall ka 'diba? Haha.
Nung pagkatapos niyang singahan ay akmang ibabalik na niya sakin 'yung panyo.
Nag sign na naman ako ng sige-ayos-lang-its-yours.
Ngumiti siya at nagpunas ulit ng luha.
"Tim, thank you ah," Sabi niya.
"Ah? Kilala mo ko?" Tanong ko.
"Sus, 'wag ka ngang pa-humble, sikat ka sa buong campus," Sabay irap niya ng nakangisi. Ganoon na ba ko ka-sikat?
"Aaah okay. Bakit ka umiyak?" Tanong ko.
"Nagbreak kasi kami ng boyfriend ko," Pumiyok 'yung boses niya at nagsimula ulit na umiyak. Tsk kawawa naman 'to mukha pa namang mabait.
"Okay lang yan. Move on na. Gusto mo treat na lang kita," Sabi ko at napangiti siya.
"Hmmm nakakahiya pero sige, masamang tumanggi sa grasya. Tim salamat ulit ah," Sabi niya.
"Eh teka, ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko.
"I'm Alexa,"
**
Alexa's POV
"Ah, nice to meet you Alexa," Then he smiled.
"Nice to meet you too," Sabi ko ng nagpipigil ng feelings, KILIG!
Pinansin din ako ni Tim! Panalo ako sa pustahan! Tinignan at kinindatan ko 'yung tatlo ko pang kaibigan na nag-dare sa'kin na magpapansin daw ako kay Tim. 'Pag pinansin ako, panalo ako sa pustahan at pag hindi talo ako shempre ako naman ang magbabayad sa kanila.
Paano ba 'yan? Magaling akong umacting eh. 'Yung break break keme? Imbento ko lang 'yun, diba ayos ililibre pa niya ko!
Pumunta kami ni crush, ay este ni Tim ng canteen swerte ko diba?
Teka—
Bakit parang basa yung panty ko?
Tiningnan ko 'yun ng pa-simple at—
at nakita ko may dugoooo!
Puta, meron pa ako ngayon hindi ako nakapag lagay ng napkin. Hala paano na yan.
Isip Alexa Isip!
***
BINABASA MO ANG
SCENERY
Ficção GeralSaan nga ba mauuwi ang isang gabing puno ng kasalanan at sarap sa buhay ni Kyla? Nang pag-fiestahan siya ng magbabarkadang sina Tyler, Tim, at Harry na mga kilalang kilala at sikat sa kanilang campus. Ano kaya magiging kahihinatnan nito sa kanila?