"Oh Aking Reyna"

219 9 9
                                    


'Di ko alam kung pa'no nagsimula,
Pero yung simpleng pagtingi'y lumala,
Ang turing ko lang sayo'y prinsesa,
Subalit ngayo'y naging reyna.

Sana'y ako ang maging hari mo,
Gagawa tayo ng sarili nating kastilyo,
Magkakaroon ng mga supling,
Munting prinsipe't prinsesa ating kapiling.

Maraming pagkaing kakainin,
Maraming kantang aawitin at sasayawin,
Maraming lugar na papasyalin,
Maraming bagay na gagawin.

Masaya ako kapag kapiling ka,
Ayoko na ngang pauwiin ka,
Gusto kong patigilin ang oras,
Para ang panaho'y hindi lumipas.

Matagal na halikan,
Mahigpit na yakapan,
Ang sarap sa pakiramdam,
Parang nasa langit lang.

Reyna kong matampuhin,
O kay sarap mong amuhin,
Reyna kong masayahin,
O kay sarap mong patawanin.

Wala na akong ibang hiling,
Kun'di ika'y laging makapiling,
Sobrang mahal na mahal kita,
Tunay ang nadarama aking sinta.

Maraming salamat sa pagmamahal,
Ramdam ko 'yon aking mahal,
Sana'y iyo ring nadarama,
Ang pag-ibig ko sa'yo,

Oh, aking reyna!

Mga Tula Ni KakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon