Sapantaha

71 4 1
                                    

Mga salitang aking babanggitin ay mga sapantaha lamang,
Kaya huwag sanang bigyan ng anumang kahulugan,
Malalim kung sasambitin ko na ito ay spekulatibo,
Maaari na lang nating itong ituran na tulang imahinatibo.

Sana ay mapukaw ko ang inyong interes,
Sinimulan ko 'tong gawin ng pasado alas tres,
Maraming gumugulo sa 'king utak,
Hindi makatulog parang nakabatak.

Sisimulan ko itong ikatlong saknong ng SISIMULAN,
Tapos sinundan KO ITONG,
Dinugtungan ng IKATLONG SAKNONG,
At nagtapos ito NG SISIMULAN.

Magulo man ngunit may aral,
May kahulugan na espesyal,
Ang bawat simula ay may katapusan,
Bago matapos kailangang simulan.

Halo-halong paksa nito'y kalakip,
Mga temang pumapasok sa aking isip,
Pawang sariling opinyon,
Sanhi ng imahinasyon.

Ang pag-ibig ay hindi isang desisyon,
Na kailangang sagutin ng isang kuwestiyon,
Hindi kailangan ng ekspalansyon,
Kung bakit kayo magkarelasyon.

Mga Tula Ni KakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon