Sa iyong pagtingin, natutunaw ako
Sa iyong pagngiti, nauuhaw ako
Sa iyong pagtawa, nalulunod ako
Sa iyong pagluha, nadudurog ako
Sa iyong pagkanta, nahehele ako
Sa iyong pagsayaw, napapaindak ako
Sa iyong yakap, nakagapos ako
Sa iyong halik, nagayuma ako
Sa iyong katawan, natutukso ako
Sa iyong ganda, nabibighani ako
Sa iyong puso, andun ako.