Sa dinami rami ng tao,
Ikaw ang dumating sa buhay ko,
'Di man tayo magkadugo,
Parang kapatid na turing ko sayo.Magkasundo sa maraming bagay,
Sa mga trip laging karamay,
Sa lungkot ay magkaagapay,
Minsan magkasama pati sa away.Ngunit ngayon ika'y lumisan,
Ako ay iyong iniwan,
Nasa'n na ang dating pagkakaibigan,
Na sinabi mong pangmatagalan.