Yung

68 2 1
                                    


Yung kaninang kakulitan mo mamaya malungkot na,
Yung kapeng iniinom mo mamaya malamig na,
Yung mga kainuman mo mamaya lasing na,
Yung tropa mong kasama mamaya aalis na.

Yung undas nga mamaya pasko na,
Yung crush na crush mo mamaya bakla na haha,
Yung aso niyo mamaya pinulutan na ,
Yung chismosa mong kapitbahay mamaya reporter na,

Mabilis at marami ang pedeng magbago,
Pero sana mapabilis ang ating gusto,
Kahit sa ngayon ay mangarap lang 'to,
Masaya siguro kung ganto...

Yung bahay natin mamaya e palasyo na,
Yung pangarap ko mamaya e katotohanan na,
Yung mama ko mamaya e mama mo na rin,
Yung papa ko mamaya e panget pa rin. (hahaha joke)

At ang pinakamasaya sa lahat e...

Yung apelyido ko mamaya e apelyido mo na rin.

I love you mahal ko...

Mga Tula Ni KakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon