Wala lang

46 5 2
                                    

Oo! Napakaraming tao sa mundo,
Pero bakit sya ang napili mo?
Bakit sya ang pinili mong mahalin?
Kahit sinaktan nya ang iyong damdamin?

Simple lang ang kasagutan dyan,
Mahal mo kasi e kaya ganyan,
Mas gugustuhin mong ikaw na yung masaktan,
At akuin na lang ang kasalanan.

Hindi ako galit sayo,
Siguro konting tampo lang to,
Hindi ko naman hinihintay ang sorry mo,
Mawawala rin to.

Hindi pa naman ako nagbabago,
At wala akong plano,
Minahal kita, minamahal kita,
At mamahalin pa.

Wala ka namang magagawa,
Hindi mo naman ako mapipigilan,
Pabebe ako diba? hahaha,
Bye! Sige hanggang dito na lang.


*******************

hindi ko matandaan kung bakit ko isinulat ito... (March 28, 2016)

Mga Tula Ni KakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon