Ako nga po pala si Mary Anne,
Nakatira dito sa Bulihan,
Sa murang-edad ay naranasan,
Pag-alis ng aking karapatan.Karapatang makapamuhay na,
Matiwasay saka malayo sa,
Mapanghusgang mga bunganga na,
Kumukutya sa 'king hitsura.Ito ba ay aking kasalanan?
Isinilang na may kapansanan,
Kung sabagay tao nama'y ganyan,
Naghahanap ng mapipintasan.May pera ba kayong nakukuha?
Sa ginagawa n'yong pambubuska,
Siguro ay mayaman na kayo,
Pwede ba ko d'yang makabalato?Noong una'y aking kinakaya,
Ngunit nang lumao'y hindi na,
Inaasahan kasing pamilya,
Nagsisising ako'y anak nila.Pero hindi na 'yon mahalaga,
Ngayon ako nama'y masaya na,
Sa piling ng Diyos na Maykapal,
Nadama tunay na pagmamahal.
****************
#Anti-Bullying