Kasabay ng pagdilim ng kalangitan,
Ay ang pagpikit ng aking mga mata,
Kasabay ng pagpatak ng ulan,
Ay sya ring pagbagsak ng aking luha.Kasabay ng pagbukas ng pinto,
Ay sya namang pagmulat ng aking mga mata,
Kasabay ng pagngiti mo,
Ang sya namang nagpatigil sa 'king pagluha.