Habang 'to'y iyong binabasa,
Ako'y nagdodota sa plaza,
Para 'di ko makita,
Pag-iyak mo't pag-tawa.You're my supermom,
Maganda't malakas parang si Wonderwoman,
Ordinaryo ma'y maraming nalalaman,
Talentado, nagiging rapper pa minsan.Hobby mo man na ako'y pagalitan,
Eksperto ka man na ako'y bungangaan,
R'yan ka lang sana parati sa 'king tabi,
Steady lang ako dito kahit naririndi.Dahil sayo ako'y masaya,
Ang kapogian ko'y sayo'y namana,
Yay! Hahaha. 'Wag kang tumawa.
May umaapela kaya, si Papa.Over-acting ka man minsan,
Magkasundo naman tayo sa tawanan,
May mga bagay tayong pinagtatalunan,
Yung tungkol sa mga ex kong nang-iwan.Malakas kang tumawa,
Ang ingay mong kasama,
Magka-gayunman mama,
Ay pinagmamalaki kita.I love you so much Mama!
Na kahit imperperkto ka,
At marami ka mang kapulaan,
You're still my beloved SuperMom!
******************************************
Super late upload.. hahaha... i love you mama <3