Kabanata 6

10.2K 316 1
                                    

Kabanata 6: Luke Ashton Ortega

Mag isa lang akong nag lalakad. Iniwan kasi ako nila mau at chloe. Nag mamadali kasi sila umalis kanina. Ano bang meron? Hays bahala na nga pa punta na ako sa hall kung saan kumakain.

"Aray!" Ang sakit. Parang nawawalan ako ng hininga tapos lumulutang ako. Muka na akong tanga. Nakita ko naman si miami na nakatingin siya sakin ng masama at nakataas ang mga kamay. Si miami yung babae na nag mamay ari ng gravity, maliban kay mau. Hindi ko siya nakakausap ng madalas pero alam ko na may galit siya sa akin. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit.

"A-ara-y!!! H-hin-di a-ako makahinga!!" Siigaw ko na kinakapos pa sa hininga.

"Dapat lang sayo yan! Malandi ka! Ahasin no na lahat wag lang si warren at ang tatlong lalaki na may elemental powers!!". Sigaw niya. Ang sama talaga ng ugali niya. Ang pagkakasabi sa akin nila Mau at chloe ay marami na daw si miami'ng nasaktan dahil sa lalaki. Kung pwede ko lang siyang patulan!

"Itigil mo nga yan!" Sigaw ng lalaking medyo matangkad, cold, walang emosyon ang mukha. Cool. Magulo ang buhok. Oww, my superman...

"Wahhhh!!!" Punyeta ang taas nito. Hihintayin ko nalang ba na bumagsak ako o gagamitin ko yung kapangyarihan ko? Gamitin ko nalang.

1 inch nalang babagsak na ako. Buti nalang na control ko pa. Nag hahabol naman ako sa hininga ko. "Wag mo ng uulitin yan, ah!" Pagbabanta ng lalaki. Agad naman akong lumapit sa harap nila.

"P-paano mo n-nagawa yun?!" Sigaw ni miami na may halong pagtataka. "You don't care! Tigilan mo nga ako! Hindi ako malandi! Pinatawag ako ng principal kaya ko siya kasama! Kung nag seselos ka! Kausapin mo siya!? Hindi ako ang pinag didiskitahan mo! Alam mo hindi ko alam kung anong ginawa kong masama sayo at ganyan ang galit mo sakin." Sigaw ko. Nanlaki naman ang mata niya at nag nulungan uli sila. Ay may nakalimutan akong sabihin.

Humarap uli ako sakanya at nag salita "Bago ka manakit. Alamin mo muna yung kwento, ah?! Hindi yung muka kang tanga dyan na nanakit ng hindi alam ang buong kwento" Sabay walk out inirapan ko pa siya. Anong akala niya sakin? Hindi nalaban!? Huh?! Wag lang niya akong inisin!

"Siya lang yung gumawa niyan."

"Ang tapang ni girl!"

"Gassh, ano kayang sunod na mangyayari?"

"Sure akong gaganti yung si rose para sa bff niya!"

Kahit gumanti pa sila! Wala akong pakealam! Nakakainis! Hindi na ako pumasok sa subject ko sa umaga.

Mabait naman ako. H'wag lang talaga nila alpng sagarin. Biruin mo hindi ko naman siya inaano, bigla akong sinakal. Medyo masakit yun.

Tanghali at mag lalaunch na. "Huy! Amber!" Sabi nila mau.

"Oh? Kayo pala! Upo kayo.." Yaya ko sa kanila. "Paano mo nagawa yun?" Tanong ni mau. Nagtaka naman ako kung anong ibigsabihin niya.

"Anong nagawa? Anong nagawa ko?" Tanong ko. "Yung na kontrol mo yung gravity. Kaya hndi ka bumagsak!" Ay oo nga pala siya at si miami lang pala ang mayroong kapangyarihang ganun.

"Ahh ewan ko nga e." Kinakabahan kong sabi. Sana maniwala sila.. Please. Goddess. Fairies!!

"Ahh ganun ba?" Thanks. Naka hinga ako ng maluwag.

"Ang tapang mo ah! Nagawa mo yun? Inaway mo yung bff ni rose?" Sabi naman ni chloe na manghang mangha.

"Napikon ako e" sabi ko tapos umirap. Natawa naman sila.

"Tapang mo, " sabi naman ni mau.

"Ako pa.." Sabi ko lalo naman silang natawa. At nag katinginan na parang may inaalala.

"IPINAGTANGOL KA NI LUKE!!!" Sigaw nila. Lalo akong nagtaka. Dahil nag titili ang mga babaita. Luke pala pangalan ni kuyang gwapo... Ahh.

"Sinong luke?" Maang maangan kong tanong.

"Siya yung nag sabing 'itigil niyo yan'" mala super star ang dating ni mau ah. Natawa nalang kami ni chloe.

"Aahh, luke pala pangalan ni kuyang gwapo... Ano naman kung siya yun?" Napanganga naman sila sa sinabi ko. At biglang nag titili. Mukang mas malala pa'to kaysa dun sa warren na yun ah.

"Si  luke ashton ortega lang naman ang may hawak ng fire elemental power." Mayabang na sabi bi chloe. Wahhhj!!! Really?! Edi malakas yun!!

"Really? So malakas siya?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot nila. Syempe para hindi halata.

"Malamang, OO!!" Sigaw nila. Mag best friend nga naman talaga. Parehas takbo ng utak.

"Wala nga silyang pinapansin e. Except nalang kung kailangan. Sila silang mag babarkada lang ang nag papansinan". Napakunot naman nuo ko.

" what do you mean?" Tqnong ko nakaka curious naman yung barkadahan nila.

"Ganto kasi yun. Si luke yung parang leader nila. Laging cold at walang emosyon parang ikaw lang dati nung dumating ka. Feeling ko nga nun may makakatapat na siya e. Tapos si warren pinaka babaero at malakas saltik. Pero mabait yun. Water element naman siya. Si Aaron namam ang air element. Tahimuk lang at mabait. Pero mnsan may saltik din. Tapos si rose naman ang plant. Marami siyang kayang gawin. Na nay kaugnayan sa halaman. Kapag galit yun nagiging itim yung bulaklak sa ulo niya. Mataray at pala away yun si rose lalo na kapag alam niyang may nalapit kay luke. Sa earth naman ako si edward. Marami siyang kaya. Mag palindol at iba pa. Si edward naman ang pinaka matalino sa lahat. Madaldal na rin. Kaya wag na wag mng pag kakatiwalaan yang si edward. May gusto nga yun kay rose e" paliwanag sakin ni chloe.

"So si luke and rose? Mag jowa?" Tanong ko. Napangisi lang sila.

"Hndi. Feeling lang ni rose sila pero walang pakealam si luke. Assuming lang talaga yung babaeng yun" sabi naman ni mau.

"Parang ang dami niyo atang alam about sa kanila ah?" Tanong ko na parang nang iimbistiga. Namumutla naman sila. Hahaha

"A-ano kasi.." Sabi ni mau

"Sikat kasi sila!" Sigaw ni chloe. Feeling ko pinag tatakpan nila.

"Mind reader ako remember?" Asar ko na natatawa lalo naman silang namutla. Napalunok naman si chloe.Hindi ko naman mabasa kasi shinutdown ko ability ko.

"A-aa...ano.. K--" hndi makapag salita si chloe. Natatawa ako sa reaction nila ako naman paikot ikot sa dalawa at nilalaro ang buhok.

"Uhmm, may crush kayo sa isa dun no?" Sabi ko lalo naman silang namula.

"So aino sa kanila?" Umupo na ako. "Hi-hindi ah! W-wala kaya! " pagtatakip niya. Napangisi naman ako.

"Uhmm crush ko si edward then cruah niya si aaron..." Pag aamin niya.

"Eh bakit parang halos mahimatay kayo kay warren?" Tanong ko. Kasi bakit sila kinikilig kung hindi naman pala nila crush yun. Diba?

"Actually, crush namin lahat sila. Hirap kaya nilang abutin! Tapos nasa harap nalang namin bigla! Nakakakilig!! Swerte mo!" Huh? Ako maswerte muka nila. Muntik na nga akong mamatay kay miami e...

"Che! Tulog na ako" pumunta na ako sa higaan ko at nag pahinga...

The princess of the Skyberry (World full of Magic) Minor editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon