kabanata 19

7.5K 231 0
                                    

kabanata 19: Memories

Bumalik na si xander dito. katabi ko rin siya dito sa klasse. Yun kasi ang gustong mangyari ng principal.

may dapat daw gawin si xander kaya bumalik siya uli. Dahil alam ko na ang mga nangyari dati ay hindi na niya ako kailangan bantayan. naalala ko na rin yung mga napag aralan ko kay kuya alejandro. Free time naman namin ngayon e. Wala kasi ang mga guro may pinag uusapan. Wala din si alexander. May pupuntahan muna daw.

"Ouch!" Sabi ko. May bumangga kasi sakin. At may tinik pa siya sa balikat. Si rose. Sabi na nga ba ay siya na naman. "Ang kapal naman ng muka mo!" Sabi pa niya. napangisi naman ako. Kung yung mga araw na hindi ako naganti sa mga ginawa niya pwes ngayon hindi ako papayag. Ako kyung tao na hindi na payag na naagrabyado!

"mas makapal sayo" ngiti kong sabi. ang dami na namang nakatingin samin at nag bubulungan.

"Ang tapang mo rin sumagot sagot ah! Alam mo ba na ako ay isa sa mga taong may elemental powers! kaya kitang patayin. kaya maraming takot sakin... mukang ikaw lang hindi" sabi nya na may halong pag mamayabang.

"I don't care" sabi ko lalo siyang nainis. Sasampalin niya sana ako kaso napigilan ko siya. lalo siyang nainis. tinanggal ko naman sa pag ka butones yung shirt niya. Hindi niya maayos kasi hawak ko yung kamay niya. "Ano ba!?" sigaw niya. Napabuntong hininga naman ako. at nag madali siyang ayusin yung shirt niya. Madami na rina ang nag pipigil ng tawa. pahiya na naman siya.

"Anong Tinatawa tawa niyo dyan! Umalis nga kayo!" Sigaw niya at umalis naman yung iba at parti siya. Nakatayo parin ako dito at naka kibit balikat. Nag lakad na ako palayo.

"That's my girl. palaban ka parin talaga hanggang ngayon ah!" Sabi ni xander. Ngumiti naman ako.

"Oo naman! Akala niya sakin!" Pag mamayabang ko. Humarap naman siya sakin at tiningnana ako sa mata. "Wag kang masyadong mayabang ah! baka may makahalata sayo" Sabi niya na nag aalala. Tumungo tungo naman ako.

"Sige na. Aalis lang ako. may kailangan akong puntahan. nag paalam na rin ako sa principal" Ngiti niya at biglang nag laho. Napaka ano talaga ng lalaking yun!

Nag lalakad na ako ng makarinig ng bulong bulungan...

"Ang tapang niya!"

"Mahirap lang pala siya"

"Ang galing niyang umakto ah!"

"patay na ata magulang niya e"

"Weak parin naman siya"

Hindi ko kinaya yung mga narinig ko. Tumakbo ako papunta sa likod ng school at tumungo. Tuloy tuloy yung agos ng luha sa muka ko. Naiinis ako! bakit hindi ko ba maipagtanggol ang mga magulang ko! Pinahihirapan lang sila dun ni Noira! bakit ba kasi nag ka ganto! Masaya kami dati ah! Yung mga kapatid ko...

Nag teleport ako at napunta ako sa building na para sa mga teenager. Nakita ko si Lauren at Laurence na naka upo sa bench. Nandun naman ako sa likod ng puno nakatingin sa kanila. Mukang masaya sila.

"Kung andito si ate. lagot ka kay ate! Pinaiyak mo yung bata!" Sabi ni Lauren.

"Lagi ka namang kinakampihan ni ate e!" Sabi pa ni Laurence. Natatawa ako ssa kanila pati ba naman dito hindi sila mag kasundo.

"kamusta na kaya si ate? Sana okay lang siya." Sabi pa ni Laureence.

"Oo nga e. Miss ko na sila pati sila mama at papa." Malungkot na sabi ni Lauren.

"Maxine! Maxwell!!" Sigaw ni Alexandra. "Ate, Xandra!" Sigaw ng dalawa at yumakap kay Alexandra. Gusto ng lapitan ang mga kapatid ko at yakapin pero hindi pwede. baka may makakita sa amin. Maxine at Maxwell pala ang pinalit sa pangalan nila. bagay parin sa kanila. Tuoy tuloy lang ang pag agos ng luha ko habang nakatingin sa kanila.

"Sana okay lang sila mama at papa.." Bulong ko sa sarili ko. nasa park na ako. Wala namang tao. kasi may klasse. Nag cutting lang ako. Iyak lang ako ng iyak dito. pangako ko sa sarili ko na ito na ang huling iiyak ako. Sana walang makakita sa akin...

Muka pa naman akong timang na iyak ng iyak. Tumahan na ako at nakatulala pa rin. Inayos ko na ang sarili ko at pumunta sa Kwarto namin medyo ginabi na kasi ako e.

"San ka galing? bakit namumugto yang mata mo? Umiyak ka ba?" tanong ni chloe. "Okay ka lang ba?" tanong ni mau. "Oo naman." Sabi ko. Hindi nila pwedeng malaman kung bakit ako nag kakaganito. Kung ano talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. natatatakot nga ako na kapag nalaman nila ang totoo na ako ang prinsesa baka layuan lang nila ako.

Nagbasa basa nalang ako ng libro Atsaka natulog. pagod na pagod kasi talaga ako sa kakaiyak e.

The princess of the Skyberry (World full of Magic) Minor editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon