kabanata 29: Practice
"huy, Gumising ka na! Mag sisimula na ang training mo" Sigaw ni hazel nut. Napabalikwas naman ako ng maaala na ngayon nga pala Magsisimula ang training namin. "ANong oras na?" tanong ko kay hazel nut. "uhmm mga 8:30 na" Natatawa niyang sabi. "Bakit di moko ginising?" tanong ko sa kanya. Hindi naman ako galit kasi ewan ko rin e. hehe. "Ehh... uhmm.." Napakunot naman ako. "ano?" tanong ko. "ahh, wala lang" Nakakaramdam ako ng iba ah! "Bakit?? sasabhin mo or else...uhmm.." tanong ko natakot naman siya.
"yung totoo kasi... kanina pa kita ginigising pero hindi ka magising gising tapos pumunta dito si Dav-- este si luke para sunduin ka kaso ang sarap ng tulog mo kaya hindi ka niya muna pinagising." napangiti naman ako. Kinikilig ako. Ikaw ba naman puntahan sa kwarto mo.
"Nginingiti ngiti mo diyan? may gusto ka sakanya no???" Tanong ni hazel nut. Napaka chismosa talaga ng fairy na'to..
"Crush ko lang ssiya!" sabi ko. Napangiti naman siya. "yiieeee! bilisan mo na dyan! tama na ang landi! Nag aantay sa'yo yung Prince charming mo!" Sabi pa ne'to. Napa bipolar talaga ne'to. naligo na ako at nag ayos. Inlove e. kaya dapat mas maganda.
Naglakad na ako papunta sa may Battle arena pero wala siya kaya naisipan kong dumaan muna sa mga training rooms. baka tumutulong lang siya sa mga Studyante. Pag dating ko dun. Tama nga. natulong siya. ANg cute niyang tignan... Pinag mamasdan niya yung mga nag tratraining at sinasabihan ng mga techniques sa mga studyante.
"hey!" sabi ko sa kanya at tumabi sa kanya. "Ang sarap ng tulog mo ah!" Sabi pa niya na natatawa. pinanliitan ko naman siya ng mata. "Tara na nga!" sabi pa niya. at naka akbay sakin habang nag lalakad kami ssa hallway. "Pinag titinginan tayo oh!" bulong ko sa kanya. napangiti naman siya. "Okay lang yan..." sabi pa niya at walang pake sa mga tao.
"Game?" tanong niya sakin. Nag nood naman ako. nagbigay agad siya ng malalaki at malalakas na Fire ball. Umiwas naman ako at binigyan siya ng ipo ipo gamit ang apoy. Hinabol naman siya nito. Naglabas na siya ng fire dragon niya. Napangisi naman ako. Binigyan ko siya ng Malakas na fireball.
Tumalsik namna siya sa peder. "Aww!" ngisi niya sa sakit. "Okay ka lang?" sigaw ko. "Oo!" sigaw niya. "Kaya mo pa ba?" sigaw ko. Pero bago pa man ako maka lapit sa kanya ay may pumasok sa battle arena at hinawakan ako sa leeg. Shit! sino to!
"Sino ka?!" sigaw ko. Kinakabahan ako kung paano to naka pasok dito sa Academy. "Dake, Please lang. Wag mo siyang idamay." Mahinahon na sabi ni Dave. Ngayon ko lang na realize na kapatid niya pala to. "Siya ang kahinaan mo, dave." Sabi pa nito.
"Huwag mokong pilitin na labanan ka, dake. mag kapatid tayo!" sabi ni dave. Lalo akong kinabahan ng ngumisi ito.
"yeah! kapatid kita! walang kwentang kapatid! Iniwan mo ako sa Heberry samantalang ikaw ay nag papakasaya dito!!" Sigaw ng kapatid niya. halata sa boses nito ang galit at pagka muhi sa kapatid niya. "Dake, isinasama kita. Ayaw mo akong paniwalaan!" sigaw pa ni Dave pero saakin siya nakatingin. Bakas sa mata niya ang pag aalala sakin.
"dadalhin ko na siya kay Tita Noira!" sigaw nito akmang hihilahin na sana ako palabas biglang sinunggaban ng suntok ni Dave si dake. "kapatid kita. Ayokong gawin sa'yo to. pero Hindi ako papayag san gusto mo." Sabi pa ni Dave.
"Dake, Kaya pa natin maligtas sila mama. Inuuto ka lang ni tita Noira para kalabanin ako! Wag kag mag padalos dalos at pairalin yang inggit mo!" Sigaw pa nito. Tiningnan ko naman si dake. Naiyak na ito at dahang dahan na binitawan ako.
"Okay ka lang ba?" tanong skain ni dave habang nakayakap. "oo" tanging nasagot ko. "Sorr, dave. Sorry." sabi ng kapatid niya habang naiyak. "Alam ba ni tita na andito ang totoong Prinsesa??" tanong ni dave. "Hindi, Hindi ko sinabi." Sabi pa ni Dake.
"Kung ganun ay mag plano tayo..." sabi ni dave atsaka tumingin sakin. "mabuti pa nga." lumabas na ako at ganun na din sila. Nag tago si dake sa isang kumot. Kapag nasa kumot ka ay hindi ka nila makikita. pero nakikita mo sila.
Naglakad na kami papunta sa office ni principal. aizahahr. Pumasok nalang kami bigla kasi alam kong alam na niya agad na andito kami. Nagulat naman siya ng makita si dake.
"D-dake???" tanong nito. "Sorry" tanging sambit ni dake. Tumayo naman agad ang principal niyakapa si dake "masaya akong makita ka uli, dake." sabi nito. Nagtaka naman kaming dalawa ni dave. Anong meron sa kanila??
"Principal Aizahahr. kailangan na taing mag plano..." sabi oa ni dave. Napabitaw naman ang principal sa pag kakayakap kay dake. "Mabuti pa nga... so anong unang hakbang?" tanong niya sa amin.
"pagpapanggapin natin si dake... mag papanggap siya na tauhan paarin siya ni Noira maganti para makakuha tayo ng mga idea kung anong binabalak nila..." Sabi ko. Sumang ayon naman sila.
"Sa susunod na buwan na ang plano nilang kuhaain ang piraso ng papel. Hindi pa nila alam na andito ang totoong prinsesa." banggit nito. Napangiti naman. Sana mag tagumpay to.
"ANg mga bata ay kailngan nating ilagay sa basement nitong Academy." Sabi ni sir. Yung mga kapatid ko? tama. Makakatulong sila.
"May mga kapatid akong nasa kabilang buiding. Makakatulong sila" nagulat naman silang lahat ang akala kasi nila ay ako lang ang andito. "May kapatid ka na andito?" Tanong ni Dave. "yep, kambal sila" sabi ko. Napangiti naman sila. "Tama, makakatulong sila. Isabay na natin sila sa pag eensayo kasama sila Xander." Buti naman. Thank you mga goddess and fairies..
"Sa araw na susugod na ang mga Ortolon ay ang maiiwan dito ay ang 5 elemental powers, Si Anastasia at ang kambal. SIla xander ang magiging kasama ng mga studyante upang sumugod."
Sumang ayon naman kami. Kami ang pinaka mahalaga at ang tanging makakatalo kay Noira.
"Alam na ba nila na si Amber ang prinsesa?" tanong ni dake. Umiling lang kami. "Sa araw na iyon lang nila malalaman. Hindi pa natin pwedeng ipaalam dahil baka mag kagulo lang" Sabi pa ng principal na sinang ayunan namin.
nag usap lang kami hanggang alas sais. Si dake ay bumalik na sa heberry. Hinawakan ko siya para malaman kung totoo bang kakampi namain siya or isang planado lang ang lahat. Ayon sa nakita ay totoo ang mga ipanakikita niya. Hindi ko na kailngan mabahal pa.
"Tapos na kayo??" tanong ko sa kanila. "yep" sabi pa nila. Mukang ang ata nila? Hindi pa nila alam yung tungkol sa lano. Hindi pa namin sinasabi. Ang princioal na ang bahala mag sabi sa kanila.
"Uhmm. Pinatatawag kayo ng principal. Bilisan niyo na" sabi ko sa kanila. Pumunta na ako sa kwarto ko. Wala kasi ngayon si dave. Umalis siya. May aasikasuhin daw. Kaya ako lang ang mag isa dito sa kwarto. habang nag aantay ay nakita ko si hazel nut na mukang masaya.
"Saya mo ata?" tanong ko kay hazel. "Syempre. kami na ni Kira..." Sbai oa nito at mukang kinikilig kilig pa. Pati ba anman pala sa fairies may boyfriend boyfriend din?? astig ah!
"Kira??" Tanong ko. ang alam ko ang fairy ni Luke ay kira ata yun. Sa kwarto lang kasi naman ang mga fairies namin. Hindi namin pwedeng dalhin ito sa labas.
"Yep! Kira yung fairy ni luke. Yung Boyfriend mo" Pinanliitan ko naman siya. "Ay, soon to be Boyfriend pala. " Sabi pa nito at ngumiti nalanga ako.
"Bdessy! kaloka! may plano na pala kayo. hindi niyo manlang sinasabi samin!" Sabi ni Mau. Binatukan naman siya ni chloe. "kaya nga sinabi na satin kanina diba??" Natawa nalang ako. "Oo nga no!" Ang sloww talaga ne'tong si Maureen.
"Bakit kaya kasama ka sa mga maiiiwan?? diba begginers ka palang?" takang taka na tanong ni Mau. Nagkatinginan lang kami ni Chloe. Hindi pa nga niya pala alam na ako yung prinsesa. "Ahh...wala naman" sabi ko pa. "Nakakainggit ka! kasama mo si luke samantala ako mahihiwalay kay edward." malungkot na sabi nito. Natawa nalang kami ni chloe. "Bakit kayo natawa?" anong ni mau. Napaka inosente talaga n'to
"matulog ka na!" sabi ko at nahiga na. Hays! namimiss ko na yung kapatid ko!
💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠💠
H'wag kakalimutan ang pag boto😊 Kung kayo po ay may mga katanungan bukas na bukas ang comment box para sa inyong latanungan 😂😅😊
BINABASA MO ANG
The princess of the Skyberry (World full of Magic) Minor editing
FantastikIt's all about a little Princess who sacrifice her own life just to save her family from the Ortolon- It's a Black Wizard. Hindi alam ng Prinsesa kung anong kahihinatnan niya sa pagpayag na pumunta sa Skyberry Academy. Hindi din niya batid ang dahi...