Chapter 2 ( Care )

177 9 5
                                    

Chapter   2   ( Care  )

( I'm A Total Slut )

Sab_Kitty

(a/n: 1:12 AM huh na ud ko pa enjoy reading :-) )

= Third Persons Pov =

" Haay.. Naglalasing ka na naman. " bumuntong hininga nalang ito at nilapitan si Brace.

Kinuha niya ang hawak nitong alak kaya matalim siya nitong tiningnan pero kitang-kita mo talaga sa mukha niya na lasing na lasing na nga talaga ito.

" Hmm.. Bat mo kinuha!! " bulyaw nito at balak pa sanang kunin yung alak na hawak ni Aria pero inilayo niya ito.

Napailing nalang ito habang tinitingnan si Brace. ' Lasing na lasing ka na nga. ' bulong ni Aria

" Matulog ka nah. " Tinapon niya yung alak sa trash bin sa loob ng kwarto ni Brace pagkatapos ay nilapitan niya ito para alalayang ihiga sa kama.

Nilagay niya yung kanang braso ni Brace sa balikat nito saka itinayo pero nong maibuhat na niya ang katawan nito ay na out of balance sila pareho kaya nasa ibabaw na ni Brace si Aria.

Hindi makagalaw si Aria at nanatiling nakatitig sa mukha ni Brace mula sa mapula nitong labi, sa matangos nitong ilong at sa kulay tsokolate nitong mata na nakakaattract sakanya pero nabigla siya nang mapansin niyang nakatitig din pala ito sakanya.

Parang nakuryente ito nong hawiin ni Brace yung ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya saka ito nilagay sa likod ng teynga niya.

Pagkatapos non ay hinawakan nito ang mukha niya papunta sa labi hanggang sa chin nito, lumakas ang tibok ng puso niya at sa nangyayari sa oras nato ay ipinalangin ni Aria na sanay huminto ang oras at manatili silang ganito.

" Zyres.. " mahinang sabi nito

Sumampal sakanya ang katotohanan na hindi siya ang nasa isip nito kundi ang gusto nito na si Zyres pero nagulat ito nang bigla itong sumuka sa harap niya, Ibig sabihin ay nasukahan siya nito.

Napahinga nang malalim si Aria. Habang masarap yung tulog ni Brace, siya naman ay nagtitiis sa isinuka nito. Siguro ay kukuha nalang siya ng damit ni Brace at isusuot nalang niya.

Magpapaalam na rin siya sa magulang niya na dito nalang matutulog dahil kailangan niya pang alagaan si Brace saka wala rin namang kaso yun sa magulang niya dahil alam nilang ligtas ito sa bahay ni Brace.

Bumukas yung pinto ng kwarto at pumasok si Katherine na ina ni Brace.

" Anong.. Manang kumuha ka ng tuwalya at damit para kay Aria. " sabi ng mommy ni Brace ng makapasok ito sa kwarto.

Bakas sa mukha ng ginang na nahihiya ito sa sinapit ni Aria at hindi niya alam kung pano siya hihingi nang pasensiya rito pero tinawanan lang ito ni Aria na para bang walang nangyari.

" Its okay tita para namang hindi na kayo nasanay haha.. maliligo nalang po ako. " nakangiti pang sabi niya pero umiling lang ang ginang.

" Anong okay hija. Nakikita mo ba yung sarili mo? Nasukahan ka oh.. teyka lang.. Manang! Nasan na ba yung pinakuha ko sainyo! " tawag ulit nito at tiningnan ulit si Aria.

" Okay nga lang po ako tita. Uhm.. tita may ipapaalam po sana ako. " nag-aalinlangang sabi ni Aria. Sasabihin niya kasi na gusto niyang sa bahay muna ito matutulog.

Ngumiti lang yung ginang at hinawakan si Aria sa magkabilang balikat nito.

" Ikaw naman.. Hindi ka na iba samin Aria, parang anak na ang turing ko sayo. Ano ba yun hija? "

I'm a total slutWhere stories live. Discover now