Chapter 4 ( Help )

120 9 3
                                    

Chapter 4  ( Help )

( I'm A Total Slut )

Sab_kitty

= Aria's Pov =

" Get away from me! "

Naagaw yung atensyon namin sa babaeng sumigaw mula sa floor.

Nakita naming may isang lalaking nambabastos sakanya at panay lapit siya sa babae pero tinutulak lang niya iyon at bigla nalang may lumapit na isa pang lalaki saka hinawakan yung braso ng babae at nong tingnan naman ito ng babae ay bakas yung pagkagulat sa mukha niya. Sa tingin ko magkakilala sila.

" F*ck off! She's my Girlfriend! " sabi nito at nagulat naman ako nang suntokin niya yung lalaking nambabastos sa girlfriend niya.

Galit itong hinigit yung babae palabas ng bar.

Ang sweet naman.. Protective yung lalaki sana si Brace ganun rin.

Binalingan ko naman siya ng tingin pero nakita kong busy ito sa hawak niyang Cellphone.

" Hoy Brace! Anong ginagawa mo't parang ang busy mo naman ata. " si Phire na yung nagtanong. Ibig sabihin ay napapansin rin pala niya iyon.

Ako rin kasi gusto kong malaman pero baka pagalitan lang ako ni Brace pag nagtanong ako sakanya.

" Trying to contact my private investigator. " sagot ni Brace pero nasa Cellphone parin yung atensyon niya.

Napakunot noo ako sa sinabi niya at hindi lang ako kundi pati na rin sina Phire.

" Private Investigator? For what? Sino ba pinai-imbestigahan mo? " hindi ko na rin napigilang magtanong.

Sa ilang araw, linggo, buwan o taon na nagsama kami hindi man lang niya nabanggit sakin ang bagay na yan.

" Its all about Zyres. " sagot ni Brace habang seryosong nakatingin sakin.

Naramdaman ko yung kirot sa puso ko. Hindi naman halatang gusto niya talagang malaman kung ano yung nangyari kay Zyres diba?

Ano bang meron kay Zyres, Brace at hindi mo siya malimot-limotan?

Nandito naman ako pero ayaw tanggapin ng puso mo na mahalin ako.

" B-bat mo pa yan ginagawa? " seryosong sabi ko

Naibaba niya yung Cellphone na hawak niya at tumingin samin.

" Dahil gusto kong patunayan sainyo na buhay nga siya. " malamig na sagot niya saka kumuha ng bote at nilagyan ng alak yung glass saka niya ito ininom.

Napaismid si Phire at nagsalita.

" Ewan ko sainyong dalawa ni Aria. Ang titigas ng mga ulo ninyo. Alam niyo yun? Yung ang sarap pag-untugin? Ipagpatuloy niyo yang larong Love Triangle Game niyong yan, kayo rin naman masasaktan pero Brace, pano nga pag totoong wala na si Zyres? Anong gagawin mo? "

Tumungo lang si Brace at mahinang nagsalita pero rinig na rinig parin namin yung bawat salitang lumalabas aa bibig niya na isa-isang pinagsasaksak ng kutsilyo yung puso ko.

" Wala na ring saysay ang buhay ko. "

Napapikit-ako't kunti nalang ay tutulo na yung luha ko. Inaamin ko na Masakit! Ganun nga talaga kalaki ang parte ng buhay ni Zyres kay Brace at wala akong panama roon.

Kahit ipagsiksikan ko pa yung sarili ko sakanya si Zyres parin talaga, pero bakit ba ayaw kong sumuko sakanya?

Yan naman kasi lagi yung sinasabi ng puso ko kaya hanggang ngayon hindi parin ako umaalis sa tabi niya.

I'm a total slutWhere stories live. Discover now