Chapter 5 ( Sorry )

104 10 2
                                    

Chapter 5   ( Sorry )

( I'm A Total Slut )

Sab_kitty

= Third Persons Pov =

Napamulat si Aria nang may marinig siyang mga ingay sa paligid nito.

Minulat niya yung kanang mata niya at may nakita siyang dalawang bulto ng tao pero hindi niya ito masiyadong maaninag dahil blurry pa iyon.

Pinikit niya ulit yung mata niya at minulat ang kaliwang mata niya pero ganun din may blurry parin hanggang sa malinaw na niya itong nakita.

" Aria baby.. Are you okay? " bumungad sakanya ang mukha ng mommy niya na naka Business Attire pa at sa tingin nito ay kagagaling lang niya sa trabaho ganun na rin yung Daddy niya na may bakas rin ng pag-aalalasa mukha niya.

Nag-iisa lang kasi itong anak ng pamilyang Morir kaya alalang alala ito sakanya.

" I-im okay. " mahina nitong sabi

Tiningnan niya yung paligid niya at hinahanap ang taong gusto niyang makita pero wala siyang makitang Brace sa paligid niya.

Natigilan siya sa iniisip niya dahil kinausap siya ni Phire at Tyrah at kagaya ng magulang nito'y nag-aalala rin sila para sakanya.

" Aria.. Kilala mo ko diba!? Sabihin mo nga pangalan ko. Sige na. Ano ba pangalan ko. " sunod-sunod na tanong ni Tyrah na para bang nahe-hysterical ito.

" T-- "

Hindi natuloy ni Aria yung sasabihin niya dahil bigla nalang nagsalita si Tyrah.

" Naku naman Aria! Kaibigan tayo! Wag mo namang kalimutan yung magandang pangalan ko dahil naalog lang utak mo! Sagotin mo na ako! Ano ba pangalan ko! " bulyaw nito habang turong-turo niya yung sarili niya.

" Ty-- "

" My Gosh Phire! May Amnesia nga si Aria-- Aray! " binatukan kasi ni Phire kaya napa pout si Tyrah.

" Gusto mo naman ata siyang magka-amnesia! Eh kaya hindi yan makasagot dahil lagi mo nalang pinuputol! Hintayin mo kasing magsalita! " bulyaw ni Phire pero inirapan lang siya ni Tyrah kaya napaismid ito saka naman humarap kay Aria.

" Aria.. Ano nang nararamdaman mo? " tanong ni Phire pero hindi siya sinagot nito at binalikan rin ng tanong.

" N-nasan si Brace? "

" Ahy gaga! Okay na nga siya.. Brace parin hinahanap eh. " Phire

" Nagkaganyan ka na nga Aria, Brace parin hinahanap mo? " matabang na sabi ni Tyrah

" Wala siya dito Okay! Panay Brace ka nalang ng Brace. Ewan ko nalang sayo Aria! " pagmamasungit ni Phire at nilantakan yung Apple na kinuha niya sa may Fruit Stand na para sana kay Aria.

Natahimik naman si Aria. Akala kasi nito ay nandito si Brace para bisitahin siya.

" Buti nadala ka agad ni Brace sa Ospital kundi baka lumala pa yang sinapit mo. "

Natigilan si Aria at napatingin kay Phire na panay kagat ng Apple.

" Si Brace yung tumulong sakin para makarating ako dito? " gulat na sabi ni Aria

Hindi niya kasi inaasahang tutulongan pala siya nito.

" Oo.. Ano? Masaya ka na! " bulyaw ni Phire na siyang dahilan para mahulog yung kinagatan niyang Apple mula sa bibig niya.

" Eww ka Phire! Yan kasi pati ba naman sa pagkain wala paring sinasanto yang kasungitan mo. " nandidiring sabi ni Tyrah pero binigyan lang siya nito ng masamang tingin.

I'm a total slutWhere stories live. Discover now