Chapter 8 ( Call )

89 9 1
                                    

Chapter 8 ( Call )

( I'm A Total Slut )

Sab_kitty

= Third Person's Pov =

" Vodka! " bulyaw ni Brace sa bartender.

Nilagyan naman ito ng alak yung baso ni Brace at hindi pa nga puno ay ininom niya agad iyon.

Naiinis siya.. Naiinis siya sa mga taong nakapaligid sakanya. Hindi noya kasi matanggap.

Kanina kasing hapon ay ikinontak siya ng taong Private Investigator niya at ibinalita sakanyang wala na nga si Zyres. Nong una ay hindi siya naniniwala pero inexplain nito na wala nang Zyres Irena Xanth na nabubuhay sa Japan at napag-alamang patay na nga ito lalo pat napuntahan na nito ang puntod ni Zyres.

Labis na nasaktan si Brace sa nalaman niya kaya andito siya ngayon, nilulunod yung sarili niya sa alak at sa araw na to ay ang pangalawang beses niyang pag-inom kaya lalo na niyang nararamdaman yung pag-ikot ng paningin niya dahil narin sa lakas ng alcohol ng alak na iniinom niya.

Napansin ng Bartender na mukhang lasing na nga masiyado si Brace kaya naisipan niyang tawagin yung kakilala ni Brace. Madali niyang nakuha yung cellphone nito dahil nasa tabi lang ito ng kamay ni Brace. Hindi naman siya nito napansin dahil papikit-pikit na ito.

Tiningnan ng Bartendero ang contacts nito at yung unang nakita niyang pangalan ay ang tinawagan niya.

= Arias Pov =

Pauwi na ako sa bahay nang tumunog yung cellphone ko na nasa upuan ng passengers seat. Ako kasi yung nagmamaneho ngayon dahil hindi ko na inabala yung driver namin dahil gabi na.

Natagalan ako dahil inayos ko pa yung mga ginulo ni Brace sa loob ng opisina ko at pagkatapos ay tinapos yung gawain ko kaya malalim na ng gabi nong matapos ko iyon.

Tiningnan ko kung sino yung napatawag at nagulat sa pangalang nasa screen

Brace?

Himala.. bat naman siya napatawag? Parang kanina lang halos patayin na niya ako sa kakasumbat, Siguro susumbatan na naman niya ako

Hininto ko yung kotse sa tabi at kinuha yung cellphone ko. Tiningnan ko muna ng ilang sandali iyon at sinagot pero hindi ako nagsalita.

Maingay yung nasa kabilang linya at sa tantiya ko ay nasa bar siya pero nagulat ako dahil ibang boses na yung narinig ko mula sa kabilang linya.

" Hello? Kaibigan niyo po ba yung lalaking may ari ng cellphone na to? Nandito po kasi siya, lasing na lasing at siya lang mag-isa. Nasa Classic Bar po siya ngayon. Pwede niyo po ba siyang puntahan? Hello-- "

Hindi ko na tinapos yung sinabi nito dahil inikot ko yung kotse papunta sa daan ng Classic Bar.

Galit naman ako sakanya eh pero bakit ba hindi ko siya matiis?

Mga limang minuto na yung lumipas at nakarating na rin ako sa Classic Bar, mabilis akong nakarating dahil walang masiyadong sasakyan ngayong gabi kaya mabilis ko itong pinatakbo.

= Third Persons Pov =

Agad ibinalik ng Bartender yung cellphone ni Brace dahil hinahanap niya ito.

Tinungga ulit ni Brace yung baso na may alak at blur narin yung paningin niya. Hindi niya alam na may babae palang kanina pa siyang pinagmamasdan at hindi ito nakapagpigil at lumapit ito kay Brace.

" Hi handsome? " bati pa nito kay Brace saka siya nito hinawakan sa mukha

Hindi na kayang makasagot ni Brace dahil lasing na ito at hindi niya maaninag yung babaeng humawak sa kamay niya.

I'm a total slutWhere stories live. Discover now