Chapter 7 ( Blame )

92 10 2
                                    

Chapter 7  ( Blame )

( I'm A Total Slut )

Sab_kitty

= Aria's Pov =

December na ngayon at lahat kami ay busy dahil sa malakas ang benta ng mga products namin lalo na yung sapatos para pangbigay ng mga tao sa mga mahal nila sa buhay.

Nong last week na kaming busy kaya hindi na ako nagkaoras na samahan sina Phire, Tyrah at Brace sa routine namin every week ends.

Two months na rin yung nagdaan at ang bilis ng panahon nong mangyari yung awayan nina Tita at Brace ng dahil sakin.

Nakamove on na rin naman ako kaya balik na ulit kami sa dati,  bumibisita parin ako sa bahay nina Tita at Brace pero nong Last Week hindi na ako madalas nagpupunta dahil sa sobrang busy.

Nakapagpaalaman narin naman ako kina Tita at naiintindihan niya iyon. Sinabihan ko rin si Brace na hindi muna ako makakapunta sa bahay niya through text. Wala naman kasi akong makukuhang sagot pag sinabi ko sakanya in person at isa pa, wala akong time para kausapin siya ng personal dahil sa tambak-tambak na clients at order na naghihintay sa products namin lalo na't dapat ay mabilisan ito.

Sa ilang linggong dumaan ay lumago pa yung store ko dahil sa mga magagandang products and design na usong uso na ngayong suotin ng mga kabataan kaya marami nang kumukuha samin na kompanya.

Nasa office ako habang abala sa kakasign ng mga papeles sa mesa ko pero natigilan ako dahil sa ingay na nanggaling labas ng opisina ko.

Ano bang nangyayari?

" Riza, pakitingnan nga yung labas ng office kung anong nangyayari? Kung bat nag iingay sila. " utos ko sa sekretarya ko

Tumayo naman ito. " Yes Ma'am. "

Lumapit ito sa pinto at lumabas pero hindi parin isinisirado iyon. Hinintay ko siyang makabalik at yun nga nakabalik siya pero may pag-aalala sa mukha niya at dali daling isinirado yung pinto kaya napakunot noo ako at nagtataka sa ginawa ng secretary ko.

" What happened? "

" May gusto po kasing kumausap sainyo at lasing na lasing po siya pero wag po kayong mag-alala. Papalabasin rin naman ng guard-- "

" Sino ba yung taong gustong kumausap sakin. " nagtatakang tanong ko

" Brace Ashman po Ma'am.. "

Napatayo ako pagkarinig ko palang ng pangalang iyon.

" What did you say? " halos mapalakas na yung boses ko dahil sa gulat at yung secretary ko naman parang nagulat sa inasal ko.

" Y-yung ano po Ma'am? "

" Yung taong gustong kumausap sakin. "

" Ahh yun po ba Ma'am? Si Brace Ashman po. Bakit Ma'am kilala niyo po-- Ma'am san po kayo pupunta? " tawag sakin ni Riza pero hindi ko siya pinansin.

Nagmamadali akong lumabas ng office at nakita kong tangay ng dalawang bodyguard si Brace na pilit kumawala sa pagkakahawak sakanya.

" F*ck! I just want to talk with her. "

" Sir, lasing lang po-- "

" Bitawan niyo siya.. He's my.. my friend. "

Napatingin naman sila sakin lalo na si Brace na natigilan saka ito tumingin sakin pero yung tingin nya parang may iba. Parang may halong galit at hinanakit.

Ano na naman bang ginagawa mo sa sarili mo Brace?

" Sa loob tayo mag usap Brace. " then i give him a smile.

I'm a total slutWhere stories live. Discover now