Chapter 11 ( Toss Coin )

94 10 5
                                    

Chapter 11 ( Toss Coin )

( I'm A Total Slut )

Sab_Kitty

= Aria's Pov =

" Aria.. "

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at tinitigan ako sa mata.

Sa totoo lang kinakabahan ako pero sa nakikita ko kay Brace masaya yung mukha niya kaya naging magaan na rin yung loob ko.

" She's alive.. "

Naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko.

Ano raw?

Napansin niyang hindi ko maintindihan yung ibig sabihin ng sinabi niya kaya nagsalita siya.


" Zyres is alive Aria.. Buhay pa siya. " nakita ko yung saya sa ekspresyon ng mukha niya samantalang ako ay parang naistatwa sa narinig ko.

Si Zyres buhay siya? Pano? Ibig sabihin hindi siya patay? Pano nangyari yun?

Buong akala namin wala na siya pero pagkalipas ng maraming taon mababalitaan namin na buhay pa pala siya.

" H-how did you know? " utal-utal na sabi ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko sumisikip yung puso ko.

" I saw her on TV Aria, actually she'll be here in Philippines on the next day. Aria.. I'm so happy.. "

Para akong sinasaksak sa puso ko habang nakikita ko siyang masayang masaya dahil nalaman niyang buhay pa si Zyres.

Ibig sabihin kaya siya ganito dahil nalaman niyang buhay pa si Zyres? Akala ko ba kinakalimutan na niya?

" P-pano ka nakakasiguro na si Zyres nga yun Brace? Your Private Investigator said na wala na si Zyres then after two years mababalitaan mo nalang na buhay pa siya? " sabi ko pero hindi ko naman aakalain na magiging seryoso yung ekspresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

" My Private Investigator lied Aria at siya na mismo ang umamin non. Nong tinawagan ko siya after nong makita ko si Zyres sa tv ay sinabi ko kaagad sakanya at umamin siya sakin na yung pangalan lang yung hinanap niya, hindi mismo si Zyres. Wala nang Zyres Xanth ang nag-eexist sa Japan dahil isa na siyang Yuan. Isa na siyang Zyres Irena Yuan.. Binago niya yung Last Name niya Aria. Teyka nga lang muna.. Hindi ka ba masaya sa nalaman mo na buhay pa si Zyres? "

" N-no.. its not what you think. Masaya ako.. h-hindi lang ako makapaniwala.. A-alam ba to nina Phire, Tyrah at Amphere? " tanong ko pero umiling lang siya.

" No.. ikaw palang yung una kong nasabihan.. "

Talaga bang ako yung pinagdidiskitahan mo Brace?! Alam mo naman na gustong-gusto kita.

" But i think Amphere know about this because she made an article about Zyres for coming here in Philippines. "

" Ahh.. " Yun nalang nasabi ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya napunta sa kamay namin yung tingin ko

" Puntahan natin sila tas tayo na yung magsabi sakanila tungkol sa magandang balita. "

Napabalik ako sa sarili ko nang iniyugyog niya yung magkahawak naming kamay.

" Hey, Aria! Are you listening. "

" H-huh-- O-oo.. Pero busy ako Brace eh. "

" Ngayon lang naman. " pilit pa niya kaya wala na akong magagawa.

* Sigh*

Matatanggihan ko pa ba to.

" Uhm.. San ba tayo una pupunta? "

I'm a total slutWhere stories live. Discover now