Chapter 16 ( Forget )

92 3 0
                                    

Chapter 16 ( Forget )

( I'm A Total Slut )

Written By : Sab_kitty

Walang imik na pumasok si Aria sa loob ng bahay. Nakita niya yung magulang nito pero hindi siya nagsalita.

" Aria anak! Salamat at nakauwi ka ng ligtas. " mangiyak pero may sayang sambit nang makita ni Aileen, pangalanan ng Ina ni Aria pero wala pa rin siyang reaksyon.

" Aria anak, Saan ka ba galing? Halos mamatay kami sa kakaalala sayo. Halos libutin na namin-- "

" I-i need to rest. " mahinang sabi ni Aria kaya natahimik ang magulang nito.

Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka dahil sa naging reaksyon ni Aria. Gusto nila itong tanungin pero nong tingnan nila si Aria ay mukhang pagod ito kaya sinunod nalang din nila ang sinabi nito.

Dalawang araw ang lumipas nong makauwi na si Aria sa bahay nila at kasalukuyan siyang nasa kwarto niya at walang balak na lumabas.

Yung mga kaibigan niya na bumisita sakanya nong nakaraang araw ay ayaw niyang makita dahil alam niyang kasama nila si Brace na siyang pinakaayaw niyang makita.

Hangga't maaari ay ayaw niyang makita ang pagmumukha nito dahil bumabalik lang sakanya ang ala-alang iyon.

Gusto ni Aria ang mapag-isa. Gusto niyang mag isip.

Gabi-gabi lagi nalang siyang umiiyak dahil paulit-ulit niyang napapanaginipan iyon at yung magulang naman niya ay nagtataka kung bakit siya umiiyak, isang araw non nong tanongin nila si Aria kung ano ba talaga ang nangyari sakanya nong mawala ito pero hindi ito nagsalita.

Ayaw niyang pag-usapan ang bagay na na-rape ito dahil una ay gusto niyang kalimutan ang bangungot na iyon at pangalawa ay ayaw niyang malaman ang totoong nangyari sakanya.

May kumatok sa pinto ng kwarto ni Aria at bumukas iyon saka pumasok ang Mommy niya saka lumapit sakanya at umupo sa kama.

" Nandito si Katherine binisita ka. Gusto ka niya-- "

" Gusto kong mapag isa Mom. " mahinang sabi ni Aria sapat na para marinig ito ng Ina niya

" Anak, nag-aalala na ako sayo, hindi ka masiyadong kumakain, ayaw mo pa makita yung kaibigan mo pati si Katherine, tatanongin ka namin pero hindi ka naman sumasagot, ano ba talaga yung nangyari? " bagkus sa boses ni Aileen na nag aalala talaga siya rito

" I already said it Mom, gusto kong mapag-isa. Can you do it please? "

Wala itong nagawa kaya nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga.

" Miss ko na yung dating Aria anak. Ano ba talagang nangyari? "

" M-mom.. " tumingin si Aria sa Momny niya kaya hinawakan siya nito sa mukha.

" Ano yun A-aria anak? " nakangiting sabi ni Aileen

" Can you do me a favor? Sasabihin ko sainyo yung nangyari. "

" Oo naman, Ano ba yun? Tell me. Makikinig ako. "

Huminga pa muna ng malalim si Aria at tiningnan sa mata yung Ina niya.

" Diba may bahay tayo sa Canada? Can i go there? Dun muna ako titira. " napakunot noo si Aileen sa sinabi ng Anak niya.

" Bakit anak? Ayaw mo ba kaming makasama? " malungkot na sabi niya pero agad namang umiling si Aria

" Kailangan ko lang makapag isip-isip dun. Mom.. I was hurt.. I want to forget Brace, Mom at hindi ako makapag isip ng matino kung andito ako. "

" Yan ba yung dahilan mo kaya ka nawala? " Aria nod.

I'm a total slutOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz