Chapter 9 ( Bouquet )

91 9 2
                                    

Chapter 9  ( Bouquet )

( I'm A Total Slut )

Written by: Sab_kitty

= Third Person's Pov =

Nagising si Brace ng maalimpungatan ito. Pagkabukas ng mata nito ay sumalubong sakanya si Aria na natutulog. Nakaupo ito at yung kama yung nagsilbing unan niya. Nong tingnan niya yung orasan ay 4:23 palang ito ibig sabihin ay madaling araw na.

Nakita niya itong pagalaw-galaw sa pagkakatulog niya na para bang hindi ito makatulog ng maayos at para naman itong naawa sa sinapit ni Aria kaya bumangon ito at nilapitan saka niya binuhat at inihiga sa kama ng hindi parin nagigising.

Tumayo na si Brace at naglakad papunta sa pinto, minabuti kasi niyang dun nalang muna ipagpatuloy yung pagtulog niya sa Guess Room dahil natutulog si Aria sa kama niya.

Tiningnan niya muli si Aria na mahimbing na natutulog saka niya pinatay yung ilaw.

Nagising si Aria dahil sa mahinang katok mula sa labas ng pinto kaya napabangon ito, tiningnan niya yung oras at pasado 6 na pala ng umaga.

Lumapit siya sa pinto saka niya ito binuksan at sumalobong sakanya si Katherine na nakangiting nakatingin sakanya.

" Nakatulog ka ba ng mahimbing hija? Kamusta na yung anak ko? " ngiting sabi ni Katherine

" Okay lang-- "

Nahinto si Aria nang may marealize ito. Pagkagising niya nadatnan nalang niya yung sarili niya na nakahiga na sa kama at walang Brace na nakikita o nakatabi man lang.

" Wala po si Brace tita. " Napakunot noo naman yung ginang dahil sa sinabi ni Aria.

" Panong wala hija? "

" Ewan ko po.. " nagkibit balikat ito. " Pagkagising ko po kasi nasa kama na ako nakahiga at wala siya. "

" Baka gising na yun o baka nasa Guess Room. "

Nagtungo sila papuntang Guess Room at pagkabukas ng pinto ay tama nga yung hinala ni Katherine.

Nakita nila si Brace na mahimbing na natutulog habang nakataob.

" Uhm.. Tita mukhang kailangan ko na po atang umuwi. Kailangan ko po kasing pumunta ng maaga sa store ko. " paalam ni Aria. Mamayang 7 na kasi siya papasok at kailangan niya pang maghanda

" Uuwi ka na hija? Mag almusal ka muna dito. " yaya ni Katherine pero umiling agad si Aria.

" Its okay Tita sa bahay nalang po ako magbe-breakfast baka hinahanap narin kasi ako nina Dad at Mom. "

Bagkus sa ginang na gusto niya pang makasama si Aria pero may gagawin pa ito kaya tumango nalang siya at hinatid ito papunta sa kotse ni Aria.

" Talaga bang hindi ka magte-take ng breakfast mo dito hija? "

" Okay lang po talaga sakin Tita, Sige po aalis na ako. Bye Tita. " paalam ni Aria na sinagutan rin naman ng ginang

" Sige hija.. Mag ingat ka. " at inihatid niya si Aria papunta sa labasan ng bahay niya

Nakauwi naman ng ligtas si Aria at agad siyang tinanong ng magulang nito kung san ito natulog. Nakalimutan kasi ni Aria na magpaalam sa magulang nito kahit text man lang kaya nag-aalala ito sakanya.

" San ka natulog kagabi Aria? " sabi ni Richard na daddy niya

Tumikhim muna si Aria bago magsalita. " Tita Katherine's House dad. "

I'm a total slutWhere stories live. Discover now