Chapter 3 ( Bar )

133 11 2
                                    

Chapter 3 ( Bar )

( I'm A Total Slut )

Sab_kitty

= Aria's Pov =

Nasa Classic Bar kami ngayon kasama ko sina Phire at Tyrah pero wala parin akong nakikitang Brace na dumating and 10 minutes na siyang late. Makakarating ba yun?

Don't tell me hindi siya sisipot?

Binalingan ko si Phire na umiinom ng alak. Di kaya niloloko lang ako ng babaeng to para makapunta ako rito.

" Phire! Nagsisinungaling ka ba sakin?! sampung minuto na yung dumaan pero wala parin si Brace! Sigurado ka bang pupunta siya?! " bulyaw ko kay Phire

Malakas kasi yung tunog ng music kaya kailangan mo pang sumigaw para marinig niya ako pero imbis na sumagot siya sa tanong ko ay binatukan lang niya ako na kala mo naman hindi babae.

Kung makabatok ba naman kasi kala mo kalalaking tao. Ang lakas!

" Gaga! Wag kang atat! Parang sampung minuto lang na late nag he-hysterical ka na diyan! Uso sa pinas yung filipino time babae kaya kung ako sayo. Enjoyin mo nalang yang sarili mo para sumaya ka hindi kay Brace nalang umiikot yang mundo mo! " bulyaw ni Phire sakanya na sinang-ayonan naman ni Tyrah.

" Oo nga Aria.. Ang daming pwedeng binggwitin sa tabi diyan oh! Baka mapasaya ka pa nila. " sabi ni Phire at tinuro yung mga lalaking patingin-tingin samin pero napapout ako sa sinabi nila.

Andiyan na naman kasi sila sa Holy Advice nila na ewan ko ba kung sang kabihasnan pa nila nakuha ang mga advice na yan. Hindi kasi effective sakin.

Tinungga ko yung basong nilagyan ni Phire ng alak pagkatapos ay nagsalita.

" Bakit ba kahit anong sabihin niyo sakin hindi ako matatauhan? "

Totoo naman kasi yung sinabi ko eh. Wala talaga akong nararamdaman after.

Phire gasped and Tyra laugh.

" Eh kung iuntog ko kaya tong hawak kong bote sa ulo mo para matauhan ka na talaga! Kami tuloy yung naawa sayo Aria. "

Bigla naman akong sumeryoso sa sinabi ni Phire. Yung ayaw ko talaga sa lahat ay ang kaawaan ako.

" Wag niyo kong kaawan--"

Natigilan ako ng sabay silang magsalita na parang nagduet lang.

" Ganito lang talaga ako magmahal. Pinilit ko namang pigilin pero lalo lang lumalala. Kahit gano pa yan kasakit sa tingin niyo wala lang yun sa nararamdaman ko. "

Napangiti ako sa sinabi nila. Hindi naman siguro halatang kabisado nila yung sana sasabihin ko.

" Ganun ba hah Aria! " Phire kaya tumango lang ako.

" Bagohin mo na dialogue mo! Masiyado nang stock yung utak ko sa paulit-ulit na linya mo! " Tyrah pero tinawanan ko lang sila.

" Alam mo kasi Aria-- " Panimula ni Phite pero natigilan ito. " Nandiyan na order mo! Ano? Masaya ka na? " Phire sabay tingin sa entrance kaya napatingin rin ako.

Alam ko naman kasi kung ano yung tinutukoy niya.

Actually malaki tong Classic Bar na to. May outer bar para sa simpleng inoman lang yung tipong mag-uusap lang tas ang tahimik at may peace hindi kagaya ng inner bar na may ingay na nakakabingi, minsan wild yung tao, may kasiyahang nagaganap like sayawan at kung tatanongin niyo ko kung san kami sa dalawang yan. Nasa inner bar kami kasi mas mag e-enjoy ka pa dito kesa sa outer.

Napangiti ako nang makita ko siya wearing his simple Plain Blue V neck T shirt at Black Jeans sa baba na bumagay talaga sakanya at dahil sa kasimpolan nito ay nakaattract siya ng mga mata ng mga kababaehan..Kung pwede lang sana masungkit yung mga mata nila malamang ginawa ko na.

I'm a total slutWhere stories live. Discover now