Chapter 13 ( Date x Visitor )

79 6 3
                                    

Chapter 13 ( Date x Visitor )

( I'm A Total Slut )

Written by: Sab_kitty

= Aria's Pov =

Kasalukuyan akong nag-aayos sa sarili ko dahil may date akong pupuntahan and you know what! Kung hindi lang talaga dahil sa Toss Coin hindi talaga ako papayag sa ganito pero iniisip ko nalang na ito rin pambawi ko kay Clark nong iwanan ko siya non sa office ko nong puntahan ko yung mga kaibigan ko.

Ayaw ko sanang sumipot at magpanggap nalang na may sakit ako pero may konsensiya parin naman ako at isa pa, pag sinabi ko yun baka puntahan niya pa ako sa bahay kaya naisipan ko nalang na ituloy ito. Isipin ko nalang na isa lang itong Friendly Date. Yes.. just a Friendly Date.

" Aria anak may tao sa labas Clark daw yung pangalan, siya na ba yung ka date mo? "

Alam ni Mommy na may Date ako ngayon, updated yan eh. Ganun na rin yung mga kaibigan ko pero ewan ko lang kay Brace. Hindi ko kasi sinabi sakanya at baka ma turn off pa sakin.

" Yes Mom.. sige po lalabas na ako. "

I'm wearing a light brown jeans and a white fitted T-shirt pang itaas.

Yes, simple lang sinuot ko. Ayoko namang isipin ni Clark na nag effort akong magpaganda para sakanya, kung si Brace pa sana ka date ko malamang baka naggown na ako.

Lumabas ako sa kwarto at bumungad sakin si Mommy na nakakunot noong nakatingin sakin.

" Anong klaseng Style ba yang suot mo Anak? " nagtatakang tanong niya sakin. Tiningnan ko naman yung sarili ko.

" Bakit? Maganda naman ah. Simple. "

" Haay Aria Anak.. Mahiya kanaman kay Clark-- "

" Sige Mom bye. "

Hindi ko na kasi hinintay si mommy na matapos sa sermon niya dahil i ju-judge na naman niya yung suot ko.

Ano naman ngayon? Maganda parin naman ako. Kung ayaw ni Clark na ganito yung suot ko edi wag na kaming mag Date! Simple as that!

Narinig ko pa ngang tinawag ako ni Mommy pero nagwave lang ako sakanya hanggang sa makarating na ako sa labas ng gate.

Bumungad sakin ang itim na kotse habang nakasandal dun si Clark at nong maramdaman niya yung presensiya ko ay agad niya akong tiningnan at ngumiti.

Nakacheckered polo ito na bukas habang may white V-neck t-shirt sa loob at itim na pantalon.

Mukhang sumakto din naman yung suot ko sa suot niya ah and seeing him wearing that clothes make looked him stunning. Ibang-iba and i admit, gwapo rin.

" You're beautiful. " nakangiting sabi niya then i smiled.

" It's that a complement o nambobola ka lang Mr. Ruiz. " sabi ko habang naglalakad papalapit sakanya at hindi parin nawawala yung ngiti niya.

" Its a Complement at totoo yung sinasabi ko. Maganda ka and please Aria, don't call me with my last name masiyadong formal at wala tayo ngayon sa trabaho. "

" Okay Clark so.. san tayo pupunta ngayon? "

" Secret.. malalaman mo rin. " sabi niya sabay gulo niya sa buhok ko

Binuksan niya yung pintuan ng passenger's seat kaya pumasok na ako. He's a gentleman.

Umikot siya papunta sa driver's seat at nang makapasok na ay nagsimula na siyang magmaneho. Wala talaga akong ideya kung san kami pupunta at di narin ako nag-abalang magtanong sakanya, secret daw eh. May secret bang sinasabi?

I'm a total slutDove le storie prendono vita. Scoprilo ora