<Aielle’s POV>
Papunta ako ngayon sa Dance Studio para magpractice sa gaganapin na Welcome Party. Walang pasok ngayon since Sabado pero meron kaming practice. Maaga pa nga ehh, 8:30 kasi ang usapan pero 8:15 palang kaya wala pa siguro sila doon. Nung bubuksan ko na yung knob ay bigla itong bumukas kaya medyo nagulat ako. Ang aga naman ng mokong na ito.
“Aga mo ha.” sabi ko
“Ingay kasi nung kapatid ko kaya maaga na lang akong pumunta.” sabi nya
“OK.” Yun lang ang sinabi ko tapos dumiretso ako papasok then umupo sa floor sabay sandal sa wall.
Wala pa naman yung instructor at si Kuya Jeth kaya umupo muna ako ng nakastretch yung legs. Umupo din si V.J malapit sakin. Nagulat nga ako kung bakit sya biglang humiga sa lap ko.
“Psh… Bigat.” sabi ko
“Ingay.” sabi nya naman
“Alis.” sabi ko
“Matutulog ako.” sabi nya
"Alis." sabi ko ulit pero pumikit na sya.
Wag na kayong magtaka kung bakit maikli ang mga dialogue namin. Tamad kasi kaming magsalita ehh… Wala na rin akong nagawa kasi ayaw nya talagang umalis at nakapikit na sya. Tiningnan ko yung features ng mukha nya, matangos ang ilong, makinis, mahaba ang pilikmata, perfect eyebrows and red lips. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakandarapa dito.
“Alam kong gwapo ako kaya wag mo na akong titigan.” sabi nya habang nakapikit
Nagulat naman ako kasi nakapikit sya kaya paano nya nalaman na tinititigan ko sya?
“Ang kapal mo ha!” sabi ko sabay tayo ng mabilis
“Aray!” nauntog sya sa sahig kasi nga nakahiga sya sa lap ko tapos bigla akong tumayo kaya nga, nauntog sya.
Tinitigan ko lang sya kaya ayun, nagreklamo…
“Hoy! Hindi mo ba ako tutulungan ha?” sabi nya
“Psh …” Lumapit ako sa kanya then iniabot ko yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)
Fiksi RemajaBEING ME IS VERY HARD... All eyes are on me... Every mistake that I make is getting too much attention... They have very high expectations that I should reach... I have several friends because some are just PLASTICS... That's why I've changed... The...