<Aielle’s POV>
May klase na naman kami tungkol sa Calculus. Buti na lang at nag-advance reading ako, kung hindi, siguradong bagsak ako sa quiz ngayon.
Hindi kasi ako nakikinig sa teacher kanina kasi lalo akong nabobore.
Nakakuha naman ako ng 8/10 kasi nagkamali ako ng lagay ng area at volume nung given.
Buti nga pasado pa ako eh. Pinapasa na lang ni Ma’am yung mga ¼ namin para irecord kasi wala ng time.
So eto ako ngayon, nakikinig ng music para hindi mabored.
May mga araw talagang feeling ko ay pagod na pagod ako at minsan naman ay energetic ako pero hindi halata sa itsura ko.
Kung tinatanong nyo kung inaway ko na yung slave ko, oo ginawa ko na yun pero sinabi nya na puro chocolate lang talaga yung pinakain nya sa akin.
Nung una nga ay hindi ako naniwala pero pinakita nya sa akin yung kagaya nung cake na binigay nya sa akin at purong chocolate lang talaga yun at walang halo ng dark chocolate.
Siguro dahil lang ito sa buwanang dalaw ko. Feeling ko kasi magkakaroon na ako eh.
Malapit ng matapos yung 2nd subject namin at magbebell na.
*KRING!*KRING!*
Lumabas na kami nila Meg at Asha para pumunta sa cafeteria.
Ako na lang yung pinaghanap nila ng vacant seat at sila na lang yung oorder.
Medyo matagal din akong naghintay kasi mahaba yung pila sa bilihan ng pizza.
Yung malaking pizza kasi yung inorder nila para daw share-share na lang kami.
Hindi kasi kasya sa akin yung isang slice ng pizza para sa recess kaya yung pang-three persons ang lagi kong inoorder.
“Ang takaw mo naman Aielle! Nakakadalawa ka ng slice oh!” sabi ni Meg
“Kaya nga! Hindi pa nga namin ubos yung isang slice pero ikaw nakakadalawa na!” sabi naman ni Asha
“Kumain na lang kayo.” sabi ko naman sa kanila
Anong magagawa ko kung mabilis akong kumain? Hindi ko naman kasalanan kung mabagal silang sumubo eh…
Natapos na kaming kumain at papunta na kami sa room ng biglang may bumangga sa amin.
Shete naman oh! Hindi ba sila marunong tumingin sa daanan?
Aalis na sana kaming tatlo kaya lang hinablot nila yung mga buhok namin. Kung sino man ang mga to, humanda kayo sa amin!
“OUCH!” sabay na sabi ni Asha at Meg
Magaling talagang umarte ang dalawang ito.
Hindi naman kasi masakit yung sabunot nila eh. Mas masakit pa nga yung suntok nung siraulong nakalaban ko dati.
Nagsmirk naman yung dalawang babae. Teka, kilala ko ito ah… yung mga transferees to eh… Ano bang ginawa namin sa kanila?
Wala naman kaming atraso dito eh… Mukha namang naiinis na yung sumasabunot sa akin kasi wala akong reaksyon.
Anong gusto nya, umiyak ako dito at magmakaawa na bitawan nya yung buhok ko? No f*cking way!
Nainis na talaga yung Nicole ba yun?
Basta yung humihila ng buhok ko kasi kinaladkad na nya ako papuntang quadrangle.
Humanda talaga to sa akin kapag hindi na ako nakapagtimpi.
![](https://img.wattpad.com/cover/7869831-288-k141743.jpg)
BINABASA MO ANG
Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)
Teen FictionBEING ME IS VERY HARD... All eyes are on me... Every mistake that I make is getting too much attention... They have very high expectations that I should reach... I have several friends because some are just PLASTICS... That's why I've changed... The...