Part 1
<Aielle's POV>
Third day na ng School Fest namin and hindi ako naka-assign na maging Maid ngayon kaya naggagala muna ako.
1 week lang kasi tong School Fest namin at nalaman kong nakakapagod palang maging waitress.
So eto na nga, naglalakad lang ako dito sa quadrangle namin at ang dami talagang tao.
Hindi ko pa nga ulit nakikita sina Meg and Asha eh...
Kung saan-saan na naman yun nagsususuot.
Habang naglalakad ay may nakita akong interesting na booth.
Booth yata to ng mga Juniors.
Ano bang tawag dito? Shooting range? Shooting booth?
Basta yung may mga babarilin kang mga maliliit na taong gumagalaw.
Nanuod muna ako dun sa mga naglalaro kasi mahaba pa yung pila.
Mahirap pala yung gagawin para makuha mo yung prize na gusto mo.
Kailangan mo kasing makatama ng 10 tao gamit ang 10 bala.
Kaya kapag may hindi ka natamaan, talo ka na...
Marami-rami na rin yung nagtry pero wala pa ring nananalo.
Siguro, it's my time para kunin yung premyo.
Maglalakad na sana ako papalapit dun sa booth nung biglang may umakbay sa akin.
Sino pa nga ba? Malamang sa alamang, si V.J to.
"Anae, anong gusto mo dun sa mga prizes?" -sabi nya habang tinuturo yung mga prizes na nakalagay dun sa booth
"Bakit, kukunin mo?" -ako
"Sige ba!" -sya
Psh... yabang ha...
Tinuro ko naman yung malaking stuff toy na kulay blue.
Goodluck na lang...
Lumapit naman sya dun sa booth tapos nagbayad ng 20 pesos para doon sa bala.
Naghanda na sya sa pagbaril habang nanunuod lang ako dito sa gilid.
Kinasa na nya yung baril tapos pinagbabaril na nya yung mga tao.
*shoot*
*shoot*
*shoot*
*shoot*
*shoot*
*shoot*
*shoot*
*shoot*
*miss*
*shoot*
Awwww... Sayang! Isa na lang eh!
Tinignan nya naman ako tapos nginitian ko sya.
"Isa pa!" -sabi nya dun sa bantay nung booth
Aba... determined sya ha...
Binaril na nya ulit yung mga tao pero meron ulit syang hindi natamaan.
Sayang! Ano ba naman yan!
"One more!" -sabi nya tapos nagbayad ulit sya
Ayaw magpapigil ha...
Binaril na nya ulit yung mga taong gumagalaw pero hindi nya natamaan yung huli.
Ano ba naman yan! May daya siguro tong booth nila!
"FVCK!!! There's something wrong with your booth!!" -reklamo nya
BINABASA MO ANG
Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)
Teen FictionBEING ME IS VERY HARD... All eyes are on me... Every mistake that I make is getting too much attention... They have very high expectations that I should reach... I have several friends because some are just PLASTICS... That's why I've changed... The...