<V.J’s POV>
Nandito na ako sa headquarters namin kasi pinapunta ako dito nina Thunder at Lightning. Humanda talaga sila sa akin kapag wala tong kwenta.
By the way, mga gangsters kami. Hindi naman kami masasama gaya nung mga tambay sa mga eskinita. Lumalaban lang kami kapag kailangan lang tsaka kapag malakas yung mga trip namin. Alam naman to sa school namin at kaya din nila kami binoto para maging Campus Princes dahil gangsters kami. We have a gang named ‘The Disasters’ kasi malaki ang nagiging pinsala namin sa lahat ng nakakalaban namin.
Ito yung mga codenames namin:
Shadowy Cyclone/Shadow = Vladimir Jonas Hee/ V.J
Thunder Storm/Thunder = Ethan Kristof Villanueva/Kristof
Lightning Cloud/Lightning = Stephen John Alvarez/Stephen
So eto na nga, papasok na ako sa HQ namin.
“Ano bang kailangan nyo?” tanong ko sa kanila
“Shadow, nakita na namin sila.” seryosong sabi ni Lightning
“Saan?” tanong ko ulit
“Sa isang lumang warehouse. Nakipaglaban sila sa mga siraulong rapists.” sabi ni Thunder
“Sigurado ba kayong sila yun?” tanong lang ako ng tanong. Mabuti na yung sigurado
“May nagvideo sa laban nila at nakita namin yung mga tattoos.” sabi ni Lightning
“Natrace mo ba Thunder kung saan sila sunod na pumunta?” ako
“Sabi ng source ko, sa mall daw sila sunod na pumunta pero hindi nya alam kung saan na sila nagpunta pagkatapos.” Thunder explained
“Patingin ako ng video.” sabi ko
Binigay naman sa akin ni Kristof yung laptop then pinanuod ko na yung video.
Sya nga ito…
Ang ‘Missing Tattooed Girl’ ko…
“Hanapin nyo sila agad, ok? Hindi lang naman ako yung makakakita ng hinahanap ko, kundi kayo rin.” sabi ko sa kanila sabay alis
<Kristof’s POV>
Nakita na namin sila. Ang mga ‘Missing Tattooed Girl’ namin. Matagal na panahon din namin silang hinanap. Mahirap kasi silang matrace kaya hindi namin sila mahanap-hanap.
Hindi nyo pa siguro alam ang tungkol sa mga babaeng may tattoo noh? Nakilala kasi namin sila nung isang beses na may nakalaban kaming mga madadaya. Tinulungan nila kaming talunin yung mga gagung yun kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin kami. Hindi nila sinabi sa amin kung ano yung mga pangalan nila pero may nakita kaming kakaiba sa kanila eh. Meron silang tattoo na noon pa lang namin nakita. Kaya simula noon, hinanap na namin sila. Tinamaan ata talaga kaming lahat sa kanila. Magaganda sila kaya lang masyadong makapal yung mga eyeliner at eye shadow nila kaya hindi namin sila makilala. Nagpost din kami sa underground website ng mga gangsters pero secured yung mga accounts nila. Meron din kaming pinaghihinalaan na sila yung mga hinahanap namin pero wala silang picture at konting info kaya hindi kami sure kung sila nga yon. Inannounce din namin sa campus na meron kaming hinahanap na mga babaeng may tattoo.
Nung una, wala pa masyadong pumapansin sa announcement namin, pero pagkalipas ng isang araw ay dumagsa na yung mga babaeng may tattoo. Yung iba nga halatang bagong gawa pa lang kasi namumula pa yung mga balat nila pero kahit isa sa kanila ay hindi tumama. Hindi kasi namin pwedeng sabihin kung saan at ano yung tattoo para makasigurado kami na sila talaga ang hinahanap namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/7869831-288-k141743.jpg)
BINABASA MO ANG
Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)
Teen FictionBEING ME IS VERY HARD... All eyes are on me... Every mistake that I make is getting too much attention... They have very high expectations that I should reach... I have several friends because some are just PLASTICS... That's why I've changed... The...