Chapter 16: SELOSSS???!!!

641 8 2
                                    

<Aielle’s POV>

 Good morning Philippines!

 Hahah!!! Halata naman siguro na masaya ako diba?

 May 3 kasi akong bagong dagdag sa koleksyon ko. Mini Cooper, Kawasaki Ninja at Ford Fiesta.

 Alam nyo na naman siguro kung bakit.

*Flashback*

 Kailangan mong maka-limang bull’s eye para manalo ka pero kung dalawa kayong nakalima edi magkakaroon ng tie breaker.

 Si Stephen ang unang nagtry at naka-3 bull’s eye naman sya. Not bad ha…

 sunod naman si Kristof at naka-3 bull’s eye din sya.

 Ang sama naman ng tingin nila sa isa’t-isa. Akala siguro nila magkakatie breaker between them pero nagkakamali sila.

 Sumunod naman si V.J while wearing his evil smile. Naka-4 bull’s eye naman sya at sa tingin ko ay kampante syang siya ang mananalo.

 Ako naman ang huling titira kaya pumwesto na ako sa starting point. Kinuha ko na yung mga dart at nagsimula ng tumira.

1st bull’s eye…

2nd bull’s eye…

3rd bull’s eye…

4th bull’s eye…

5th bull’s eye…

(O_O) ~> reaction nila

“Paano ba yan? Akin na yung mga sasakyan nyo.” sabi ko sa kanila

 Nanlumo naman silang lahat lalo na yung slave ko. 

*End of Flashback*

 Gamit ko ngayon yung Mini Cooper ng slave ko kasi coding yung Porsche ko.

 Iniimagine ko na lang ngayon kung ano ang magiging reaksyon ng slave ko kapag nakita nya na gamit ko yung kotse nya.

 Hahah!!! Ang mean ko.

“KYAHHH!!!” tili nung mga schoolmates kong kiri.

 Di, joke lang. masama ang manghusga ng kapwa.

 Hindi ko alam kung bakit sila tumitili pero nakatingin sila sa kotse ko eh… ahhhh.

 Alam ko na, akala siguro nila si V.J ang sakay ng kotseng to. 

Hahah!!! Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang hindi si V.J ang sakay nitong kotse? *evil smile*

“KYAHHH!!! WE LOVE YOU PRINCE V.J!” sabi nung mga fans nya

“PRINCE V.J! PRINCE V.J!” yung mga fans nya ulit

 Ito na yung perfect timing para lumabas ako ng kotse KO.

“PRINCE V.J! PRINC- hah? Bakit sya yung nasa kotse?” sabi nung mga fans nya

 Hahahahhh!!! Para silang mga nalugi! I’m so mean… Sorry naman… (_ _)

Naglakad na ako papuntang room kasi ayokong malate. Terror pa naman yung teacher namin sa Calculus.

 Dumiretso na ako sa seat ko pero meron dung kumpulan.

 Ano kayang meron dun?

 Umupo na lang muna ako dun sa upuan ni Meg na malayo sa kumpulan. 

Ayoko kasi sa maraming tao, alam nyo naman na I hate noise and attention.

 Tumungo na lang ako sa armchair at sinalpak ang earphone ko. Makikinig na lang ako ng music habang wala pa yung teacher namin.

 Wala pa naman sina Meg at Asha kaya ok lang na magstay muna ako dito. 

Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon