Chapter 17: Anae? = Choco & Vanilla ^__^

681 11 1
                                    

<Aielle’s POV>

 Hayy… ang bilis ng mga araw.

 Last day na kasi ng pagiging slave ngayon ni V.J. Wala naman kasi akong nadagdag sa mga utos ko sa kanya.

 Araw-araw lang nya akong tinatawag na Boss, binibigyan ng chocolate at pizza, hindi kinukulit at hindi iniinis. 

 Naging close na rin kami nina Meg at Asha sa mga tropa nya.

 Lagi kasi silang nakikitambay sa HQ namin eh… pero kahit close na kami, hindi pa rin nila alam yung secret namin.

 Mas mabuti na kasi yung maingat kami.

 By the way, nandito kami sa HQ ngayon.

 Half day lang kasi kami ngayon dahil may urgent meeting na naman yung mga teachers kasama si Mommy.

 Naglalaro lang sila ng Nintendo Wii habang ako ay kumakain na naman ng chocolate pero ice cream.

 Wala naman kasi akong magawa dito eh tsaka nilulubos ko na yung last day ng pagiging slave ni V.J.

 Pinabili ko kasi sya ng one week supply ko ng chocolates kaya marami akong kinakain ngayon.

 Hindi naman ako pulubi pero ayoko namang gumastos para sa kinaaadikan ko.

 Nakahiga ako dito sa sofa na nandito sa HQ kasi natutulog si Asha at Meg doon sa kwarto.

 Naka-lock naman yun kaya walang mangyayaring masama sa kanila tsaka may tiwala naman ako sa mga mokong na ito.

 Humanda lang sila sa akin kapag may ginawa silang pagsisisihan nila.

“Boss ko, pwede ba kitang tawaging ‘Anae’?” sabi ng Slave ko

 Aney, Anae? Anong ibig sabihin nun?

“Korean ba yan o gawa-gawa mo lang?” tanong ko

“Basta. Pwede bang iyon na lang ang itawag ko sayo?” sabi nya ulit

“Humanda ka sa akin kapag panget ang ibig sabihin nyan!” sabi ko sa kanya

 Korean ba yun? Hindi naman kasi ako fluent magsalita ng Korean kasi ¼ lang ako.

 Bahala na nga sya sa buhay nya… tutal hindi na nya ako matatawag na Boss.

“Promise! Hindi panget yung meaning nun.” sabi nya 

Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon