Chapter 32: I Miss Him.. :(

467 7 0
                                    

Part 1

<Aielle's POV>

"TANGNA KA KRISTOF!! WALA NAMAN AKONG GINAWANG MASAMA SAYO PERO GINAGO MO AKO!!" -sigaw ni Asha

"PAKYU KA STEPHEN!! HINDI KA NA NAAWA SA AKIN AT SINAMA MO PA AKO SA MGA BABAENG KALADKARIN NA PINAPATOS MO!" -sigaw din ni Meg

By the way, nandito kami sa bahay nina Meg kasi gusto nya na dito na lang daw muna kami since wala naman daw sina Tito and Tita dito. Mas feel daw kasi nila na dito na lang at least maraming gadgets na pwedeng gamitin.

Sigaw sila ng sigaw dito sa loob ng kwarto ni Meg habang hawak-hawak yung dalawang microphone na nakasaksak sa amplifier na merong 6 speakers. Takte! Ang sakit na nga ng tenga ko eh! Kanina pa sila sigaw ng sigaw habang yung mga speaker eh nakafull volume. Naku! Kung hindi ko lang mga bestfriends to, kanina ko pa to mga nabatukan. Ang lalakas ng tama eh! 

Hindi na naman sila ganun kalasing kasi kanina pa kami nakatambay dito and nakakailang suka na rin sila so medyo tipsy na lang sila ngayon. Ang totoo nyan, ako talaga ang nakaisip ng pagsigaw gamit yung microphone kasi gawain namin yun nung pinsan kong si Bother. 

(A/N: Pakibasa po yung isa ko pang story na Trouble again and again and again. Nandun din po si Bother. Medyo pareho po silang bipolar kasi magpinsan eh.)

Gawain namin yun ni Bother lalo na kapag pinapagalitan siya nung apat niyang kuya kasi nag-iisa lang siyang babae. Kaya ngayon ginagaya kami nina Meg at Asha kasi alam nila na effective yun lalo na kung masama ang loob mo. Hindi ko nga alam kung saan namin nakuha yun ni Bother eh. Basta ang alam ko malakas ang trip ng babaeng yun kaya nakakailang school na siya this school year.

Hindi nga siya pinapayagan na lumipat sa school ko kasi sasakit lang daw ang ulo ko kapag dun siya mag-aaral. Anyway, patuloy pa rin silang sumisigaw kaya sinuot ko na yung headset ko para hindi naman ako mabingi bukas kapag nasa school na kami.

Habang nakikinig, bigla ko tuloy naalala yung lalaki. 

Yung lalaki na lagi akong kinukulit kahit na hindi ako namamansin. 

Yung lalaking lagi akong inaakbayan kahit na maraming nakatingin. 

Yung lalaking nililibre ako lagi ng chocolates. 

Yung lalaking matampuhin.

Yung lalaki na 'kissing monster'.

Yung lalaki na lagi akong tinatawag na 'Anae'.

At higit sa lahat, yung lalaki na 'mahal' ko.

Shet! Nagiging abnormal na naman ako. Bwisit namin kasi V.J eh.. Simula nung dumating siya, lagi na lang kumakabog yung dibdib ko na para bang sumali ako sa isang marathon. Takte! Ayan na naman ako, nagiging abnormal na naman.

Pero totoo yun, namimiss ko na siya? Pero bakit patanong? Tss.. Para naman akong siraulo dito. Kinokontra ko yung sarili ko. Hayy.. Baliw na nga ata ako.

Hayy.. ilang linggo na rin kasi siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Siguro tinutulungan nya yung mga kaibigan niya na namomroblema din dahil kina Blood at Stern na hindi na sumasagot sa mga tawag nila. Yeah, balak na kasing makipagbreak nina Blood at Stern kina Stephen at Kristof. Mas lalo lang kasi silang nasasaktan tuwing kumokontact sa kanila yung dalawa kaya nagdesisyon sila na tigilan na yung relasyon. 

Sana naman hindi kami madamay sa problema ng mga kaibigan namin. Kahit naman kasi poker face ako, alam ko na may nararamdaman na ako kay V.J. Iba kasi yung feeling na may nagmamahal sayo, pinapahalagahan ka at pinoprotektahan kahit hindi naman kailangan kasi kaya ko naman yung sarili ko. Iba din kasi yung galing sa pamilya at galing sa taong espesyal sayo. Ewan! Basta ayokong madamay kami sa problema kasi alam ko na baguhan pa lang ako pagdating dito at hindi ko pa alam ang gagawin kung saka-sakaling magkalabuan din kaming dalawa.

Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon