<Aielle’s POV>
7:25 am na at malelate na ako kaya yung Ducati 1199 Panigale ko na lang yung ginagamit ko ngayon papuntang school. Nabato ko kasi kanina yung alarm clock tapos nakatulog ulit ako kaya nagmamadali na ako ngayon.
Over take lang ako ng over take sa mga sasakyan na nauuna sakin kasi bawal akong malate. Flag ceremony kasi ngayon kaya pagnalate ako ay sangkatutak na sermon na naman ang makukuha ko sa Guidance counselor namin.
Ayan na…
Malapit na…
Konti na lang…
Nakikita ko na yung gate…
FINALLY! Konti na lang sasarado na sana yung gate buti na lang nakalusot pa ako. Pinark ko kaagad yung superbike ko then tumakbo na ako papuntang gym. Buti na lang at pumipila pa lang sila kaya makakahabol pa ako at hindi mapupunta sa pila ng mga late. May sarili kasing pila ang mga late para alam agad kung sino yung mga sesermonan.
Nagsimula na yung Flag Ceremony at gaya nga ng inaasahan ko, late na naman sina Meg at Asha. Ewan ko ba kung ano ang pinaggagagawa nila at lagi na lang silang late. Calculus kasi ang 1st subject namin kaya sigurado ako na sinadya nilang magpalate.
Tumatagal kasi ng isang oras yung sermon ng Guidance counselor namin kaya exempted sila sa 1st subject. Natapos na yung Flag Ceremony kaya pumunta na yung iba sa kanilang respective rooms. Yung mga late naman ay naiwan sa gym kasi sesermonan pa sila.
Hind muna ako dumiretso sa room namin kasi pupunta pa ako sa office para icheck yung attendance ng mga teachers nitong school. Binigay naman nya sakin yung info galing sa biometrics at absent pala yung Guidance counselor namin. HAHAHAHHH!!! Kawawa naman sina Meg at Asha, sigurado akong nagbubunot na yon ngayon ng damo sa garden.
<Asha’s POV>
Grabe ka Author ha! Nagyon lang ako nagka-POV!
(Author’s note: Buti nga nagkaroon ka pa ng Point of View ehh!)
Oo na, suko na ako. Sa inyong dalawa lang naman ako ni Aielle hindi nananalo ehh. So, nandito kami ngayon ni Meg sa garden habang nagbubunot ng damo kasi absent daw yung Guidance counselor.
Bwisit nga ehh… sigurado akong pinagtatawanan na kami ni Aielle ngayon. Si Meg kasi ang nakaisip nito ehh, sabi nya magpalate na daw kami kasi Calculus naman yung 1st subject namin. Eh wala yung counselor kaya ayan, nagbubunot kami ng damo.
“Hindi ba tayo tutulungan ni Aielle?” tanong ni Meg
“Asa ka pa! Sigurado akong pinagtatawanan na tayo nun ngayon.” sabi ko naman
“Bakit kasi nagpalate pa tayo ehh…” sabi nya
“Ikaw kaya ang may suggestion nito!” sabi ko
“Oo na… sorry na po…” sabi nya naman
“Bilisan na nga lang natin para makaakyat na tayo sa room.” sabi ko
Pinagpatuloy na namin yung pagbubunot ng damo kaya lang napasubsob ako sa damuhan kasi may nagtatakbuhan tapos nabunggo ako. Buti na lang hindi yung mukha ko yung nasubsob kundi patay sakin kung sino man yang nambunggo.
“Ano ba?! Nakita nyo nang may tao dito eh!” sigaw ko
“Sorry Ms.… hinahabol ko lang kasi si Kristof… Ako na yung humuhingi ng sorry para sa kanya.” sabi nung isa sa mga Campus Prince. Stephen ang pangalan.
“Pare, bakit ka ba nagsosorry dyan? Siya nga yung paharang-harang sa daanan eh…” sabi naman nung Walang-modong Kristof
“Kasalanan ko ba kung ang haharot nyo at nagtatakbuhan kayo sa oras ng klase?!” sabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/7869831-288-k141743.jpg)
BINABASA MO ANG
Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)
Teen FictionBEING ME IS VERY HARD... All eyes are on me... Every mistake that I make is getting too much attention... They have very high expectations that I should reach... I have several friends because some are just PLASTICS... That's why I've changed... The...