Chapter 9: Slave na kita...

796 10 0
                                    

<Someone’s POV>

 Grabe! Ang astig talaga nung magandang babae sa may parking lot. Buti nalaman ko yung pangalan nya. Marunong naman akong makipaglaban pero ang dami talaga nung mga siraulo kanina. Ang galing nga nung babae kasi nakaya nya ng mag-isa yung 15 katao.

 Sana makita ko ulit sya para naman makabawi ako sa kanya kahit papaano. Ang cool nya tapos ang ganda kaya hindi na ako magtataka kung marami ang nahuhumaling sa kanya.

 Sa ngayon, ang gusto ko lang ay makita ko sya ulit… (^_^)

<V.J’s POV>

 Ngayon ang match namin ni Aielle kasi P.E class na. Excited na ako kasi alam ko naman na hindi nya ako matatalo. Nagpalit na ako ng jersey para hindi ako mahirapang magbasketball mamaya.

 Alam nyo ba kung bakit basketball ang pinili kong game? Well, naaalala nyo pa ba nung meron kaming activity sa class na tungkol sa seatmate? Sinabi nya kasi doon na naglalaro sya ng lahat ng klase ng sport so ang pinili ko ay basketball  dahil varsity player ako. Siguradong ako na ang mananalo kaya kailangan na nyang maghanda sa mga iuutos ko.          *insert evil smile here*

<Aielle’s POV>

 Nasa C.R ako ngayon kasi hindi ako pinayagan ng teacher namin na nakapaldang maglaro ng basketball. Ang arte nga eh, nakashorts din naman ako sa ilalim ng palda kaya bakit ko pa kailangang magpalit?

 Royal blue ang color ng jersey ng mga babae at lalaki. Sa lalaki ay kagaya din ng sa jersey ng ibang school pero meron syang lining na color cerulean  at may nakaprint na A.G.L sa harap. Sa mga babae naman ay loose shirt at short shorts pero hindi naman kagaya nung mga b*tches sa kanto na halos magpanty na lang sa kalsada.

 Lumabas na ako sa cubicle and nakita ko sina Meg at Asha na papasok ng C.R. Dapat pala hindi muna ako lumabas kasi sigurado akong pagdidiskitahan na naman nila yung suot ko.

“Aielle, ikaw ba yan?! Grabe ang sexy mo talaga!” sigaw ni Meg

“Wow Aielle! Ang puti mo!” si Asha naman yan

 Hayy… sabi ko na nga ba ayan ang sasabihin nila ehh…

“Tapos na ba kayo? Kailangan ko na kasing umalis ehh.” Sabi ko

“Ang sungit talaga neto!” sabi ni Meg

“Kaya nga! Ikaw na nga itong pinupuri dyan tapos ikaw pa yung choosy!” Asha

“Psh…” sabi ko sabay labas

 Naku naman! Pati ba naman dito sa labas pinagtitinginan ako! Arghh!!! I really really hate attentions! Bahala na nga, basta kailangan ko nang makapunta sa gym para matapos na yung deal namin.

=GYM=

 Malapit na ako sa entrance ng gym at naririnig  na ang mga hiyawan nila. Grabe ang ingay! Puro:

“GO PRINCE V.J”

“I LOVE YOU PRINCE!”

“KAYA MO YAN BABE!”

“GO HONEY!”

 At ito ang pinakamalupit:

“HAYAAN MO PRINCE, PAGNANALO KA, MAGPAPAKASAL NA TAYO!” Hahahhh!!! At to inform you, BEKI yung huling sumigaw. HAHAHHH!!! LAUGHTRIP!

 Pumasok na ako sa loob and bigla naman silang tumahimik. Ayan na naman yung mga tingin nila sakin. Hindi ba sila nagsasawa sa kakatingin sakin ha? Linapag ko na lang yung mga gamit ko sa isa sa mga benches then naglakad na ako papunta dun sa kalaban ko at sa referee. Pareho silang nakatingin sakin, pero hindi ko yon inintindi kasi kailangan kong manalo dahil ayaw kong maging slave for two weeks.

Do You Have A Tattoo??? (The Missing Tattooed Girl Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon