CHAPTER 2 [Annoying Boy]
(TRINITY'S POV)
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gate. Feeling ko may sumusunod na sa akin.
Totoo kayang may mata si Ace rito?
May nasalubong akong isang babae na may hawak pang dyaryo. Palihim na nagmamanman sa akin.
"Wala syang kasama over" sabi nun nung nasalubong ko.
Humarap ako rito at nag cross arms.
"AGI!!!" inis kong sigaw.
Ibinaba nya yung .
"Oh Ayus ba?? Mukha na ba akong spy? ^___^" tanong nya sa akin.
"Mukha kang baliw =___="
"Haha! Pinabantayan kasi sa amin ni Ace. Sabi nya kami raw ang magsisilbing mata nya rito at secret lang daw yun." sabi nya at kumindat pa sa akin.
"Hindi na secret yun. Alam ko na eh =__="
"Kasi bestfriend kita kaya sinabi ko. Hwag kang maingay kay Ace ah!" sabi ni Agi at hinawakan ako sa braso.
Sira talaga tong si Agi. Edi kami naman ang may secret ngayon?
"Kung hindi lang kita kaibigan kanina ka pa tinamaan sa akin eh!?" sabi ko.
*SA ROOM
Pagkapasok ko pa lang. Nagliliparang mga papel na ang bumungad sa akin. Ito ba yung seksyon 1?
"Agi nagkamali ata tayo ng pasok ng room?" tanong ko rito.
"Hindi ah! dito talaga yung room natin. Sabi yun sa opening ceremony kahapon" pagtataka ni Agi. kinalabit nya yung lalaking malapit sa amin. "Uy! Tama ba ako? ito ba yung room ng section 1?"
Matawa tawa namang sumagot ang lalaki,
"Yes Miss. Kaklase ka ba namin?" tanong naman nito. Tumango tango lang si Agi. "Well, welcome sa room! Ako nga pala si Andrey"
=__= Tingin ko may pagka chickboy ang lalaking nakausap ni Agi. Kung makatingin kasi sa kanya parang halos hubaran nya ito.
"Tigilan mo nga yan =___=" Cold kong sabi sa lalaking yun at inilayo si Agi sa kanya. "Mukha kang manyakis na ewan"
"Excuse me??" napataas ang kilay nya sa pagtingin sa akin. Nag-half smile sya muna saka tumingin sa iba naming kaklase. "Magagandang tao pala ang mga magiging kaklase ko Magiging masaya to"
"Kunwari wala akong narinig =__="
Tinitigan nya ako. Syempre hindi ako nagpatalo. Walang kurapan sa aming dalawa. Mukha namang nagegets nya ang laro ko eh.
"Agi! Trinity!" tawag sa akin ng lalaking nasa likuran. Woah! Napabitaw ako ng titig sa lalaki. Si Ryler pala yun. Seryoso yung mukha nyang tinatanaw kami. Sinenyasan nya kami na lumapit.
"Bye Miss" paalam sa akin ng Andrey na yun.
Naglakad na kami patungo roon. May tatlo pang vacant sa seat nya.
"Oh?" Tanong ko kay Ryler. May kung anong aura sya ngayon.
"Anong sabi sa inyo ng lalaking yun?" Seryoso nyang tanong sa amin.
"Wala yun." sagot ko. Napatingin naman sya kay Agi. Ayan na.
"Ano kasi... Nagtanong lang kami yun lang!" pagdadahilan ni Agi. Kung makapagselos naman tong si Ryler kala mo isang disciplinarian teacher eh. Ganyan naman talaga ang lalaking to.
![](https://img.wattpad.com/cover/70660177-288-k334824.jpg)
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Chasing Ms. Snob
RomanceA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?