CHAPTER 39 [Mr. Hulk 1]
Pagkatapos kong magkwento natawa na lang sya ng natawa. Ewan ko kung saan banda ang joke sa kwento ko pero tingin ko action naman ang genre nun.
"Grabe! Pwahahahaahahah!" tawa nya pa. Habang ako mukhang timang na pinapanuod sya at hinuhulaan talaga kung saan yung joke?
"Ano? Tapos ka na? kailan pa naging nakakatawa yun?"
"Nakakainis lang! Tapos dahil doon nagawa mong sirain yung buhay ko?" tanong nya pa.
"hanggang kailan mong ipapamukha sa akin na sinira ko yung buhay mo ah?" tanong ko sa kanya. Humalumbaba lang ito sa akin at tiningnan ako ng nakangiti. "Anyway aalis na ko"
Yung totoo? Naapektuhan na ba yung utak nya kakakulong nya sa bahay na to? Tumayo ako at inayos yung gamit ko. Habang sya hindi na naalis ang kamay sa baba nya.
"Wait! Mamayang gabi be ready may simple party kami ng mga pinsan ko kung gusto mo isasama kita? Parang reunion lang naman yun eh" pag aaya nya at uminom ng kape.
"Idadahilan mo ba ako sa pag gagala mo ah?" tanong ko sa kanya at nakapamewang.
"Hindi! Nakakaattend naman ako ng mga reunion"
"Tapos? Ayaw mong magumpisa na agad sa trabaho mo sa company nyo?"
"Yeah' that's right"
"Kailan ka pa naging tamad Ace?"
"Ayokong magtrabaho sa company! Hindi talaga! Habang buhay" sagot nya at sumama na naman ang mood nya. "Pumunta ka na lang, alam mo na kung saan yun"
"Saan ba?"
"Sa bahay nila Lolo kaya hindi ko na kailangan pang magpaalam" sagot nya.
"Sige pupunta" sagot ko rito.
Kinuha ko yung bag ko at umalis na sa bahay nya. Marami ngang sumusunod sa kanya kahit san pa sya pumunta. Daig pa nya yung president ng pilipinas o isang taong na naging testigo sa mga malakihang dropa. Mga ganun hindi maalis ang mga mata sa bawat kilos. Kaya siguro hidi ko sya masisisi kung mas gugustuhin nyang umatend sa mga reunion na ganon ganon sa pamilya nila.
Kinagabihan, pumunta nga ako sa bahay ng lolo niya. Tama nga sya may reunion nga roon. Tingin ko ako lang ang other pero dahil inaya ako to the first time I guess last na rin to. Ano pang kalokohan ang gawin ni Ace rito.
I'm wearing short white gown with simple gray flat shoes. Gusto ko kasing magmukha akong simple princess sa harap ng mga kamag anak ni Ace. It's time to impress them. Ayan natatawa na anman ako mag isa. Hindi kaya sumuko na si Ace sa pagiging matigas ang ulo tapos narealize na lang nya habang ikinukweto ko yung love story namin na mahal nya pala ako.
Kaya ko naman sya mapatawad eh! Madali lang ako kausap. Hindi pa man ako nakakalabas ng kotse ng may kumatok sa bintana ng kotseng sinasakyan ko.
"AHHHHH! JOKER!!!!" takot kong sigaw at napahawak pa sa dibdib ko. Mukha pa akong tangang exaggerated na lumayo sa may bintanang sinulputan nito.
Isang matipunong lalaking naka tuxedo ang naka mascara lang pala ni Joker. Napatitig muna ko ng bigla kong naalala yung love story namin ni Ace.
Hindi to nagsalita pero nagkamot ito ng ulo sa may binata at parang naiinip pa dahil hindi pa ako lumalabas. Kumaway to sa akin at tinaas baba ang palad na parang nagpapahiwatig na lumabas ako.
"Teka sino ka ba!?" asar kong tanong dito at ibinato yung bag ko sa bintana. Bigla napaatras si Joker. Nakasara pala yung bintana. "Kikidnappin mo ba ako?"
Napakamot na naman to ng ulo at asar na asar na sa kakatanong ko. Nakaikot ikot pa to sa lugar nya at nakacross arms.
Binuksan nya ng sapilitan yung pinto ng kotse. Hindi naman ito naka lock kaya nakapasok sya sa loob at tumabi sa akin. Teka si Joker ba talaga to??? Sya ba yung batang lalaking kasama ni Hulk AY! Ni Ace pala? Lumapit ito sa akin at tinakpan yung tenga ko.
"UY! TEKA! TEKA! ANO BA TO??" tanong ko sa kanya pero wala akong naririnig dahil naguusap lang sila ng driver ko. Sa nakikita ko tumango tango lang ang driver ko at bigla na lang akong hinila ni Joker paalis sa kotse. "ANO? TATANGO TANGO KA DYAN. SANDALI! HUY! KIKIDNAPPIN AKO TEKA! HOY DRIVER KASABWAT KA NO! YOU'RE FIRED! YOU'RE FIRED"
"Shhhhhhhhhhhhhhhh~" sabi lang ni Joker na hilahila ako papasok sa bahay ng Lolo ni Ace. Pagkapasok namin narinig ko na agad yung tugtog.
NJ6
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Chasing Ms. Snob
Roman d'amourA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?
![[BOOK 2] Chasing Ms. Snob](https://img.wattpad.com/cover/70660177-64-k852525.jpg)